Lucy Torres-Gomez, Angelu de Leon, Long Mejia tatakbo rin sa 2022 elections; Bato dela Rosa, substitute candidate ni Sara Duterte?

by PEP Troika
Oct 8, 2021
Kabilang ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez (left), aktres na si Angelu de Leon (inset, top), comedian na si Long Mejia (inset, bottom), at ang senador na si Bato dela Rosa (right) sa mga naghain ng certificate of candidacy para sa 2022 elections.
PHOTO/S: Facebook / Jerome Ascano

Natapos na ngayong Biyernes, October 8, ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa iba’t ibang sangay ng Comission on Elections sa buong bansa ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Para sa huling araw ng paghahain ng kandidatura, ang mga sumusunod ang ilan sa mga kilalang personalidad na muling susubukan ang kanilang kapalaran sa mundo ng public service at pulitika:

LUCY TORRES-GOMEZ

Kasama ni Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez ang kanyang asawang si Richard Gomez nang maghain siya ngayong Biyernes ng certificate of candidacy.

Kakandidatong mayor ng Ormoc City si Lucy, at magpapalitan sila ni Richard ng puwesto dahil ang asawa naman niya ang tatakbong congressman ng kanilang distrito.


Continue reading below ↓

ANGELU DE LEON

Lehitimo na rin ang pagkandidato ni Angelu de Leon na konsehal ng District 2 ng Pasig City dahil naghain siya ngayon ng kanyang certificate of candidacy.

Si Angelu ang lead star ng sikat na youth-oriented show noong dekada ’90, ang T.G.I.S., kaya may kinalaman sa kanyang dating programa ang plataporma niya: Tapat. Gawa. Ina. Serbisyo.

In short, T.G.I.S.

Continue reading below ↓

LONG MEJIA

Kahapon, October 7, ang 54th birthday ng comedian na si Long Mejia.

Isinabay niya ito sa paghahain ng kandidatura bilang board member ng 1st District ng Bulacan.


Ipinauubaya ni Long sa mga kababayan niya sa unang distrito ng Bulacan ang pagpapasya kung karapat-dapat siyang maglingkod.

SNOOKY SERNA'S BOYFRIEND

Hindi showbiz personality ang former governor ng Bulacan na si Ramon Villarama. Pero sinamahan siya ng kanyang nobyang si Snooky Serna nang ihain niya ang kandidatura bilang house representative ng ika-anim na distrito ng lalawigan ng Bulacan.

Continue reading below ↓

ALFRED AND RAYMUND ROMUALDEZ

Kung hindi magkasundo ang mag-amang Luis “Chavit” Singson at Ryan Singson na magkalaban sa vice-gubernatorial race sa Ilocos Sur sa May 2022, magkakampi at magkasangga ang mag-amang Alfred at Raymund Romualdez.


Continue reading below ↓

Re-electionist si Alfred bilang alkalde ng Tacloban City at running mate niya ang kanyang anak na si Raymund, na nakilala noon bilang dating karelasyon ng aktres na si Gwen Zamora.

Stepmother ni Raymund ang former sexy symbol na si Cristina Gonzalez, na nagsilbi rin noong mayor ng Tacloban City.

BATO DELA ROSA FOR PRESIDENT?

Nasorpresa naman ang supporters ni Davao City Mayor Sara Duterte dahil si Senator Ronald "Bato" dela Rosa ang sumipot sa Comelec sa Sofitel Harbor Garden Tent at naghain ng certificate of candidacy para sa kanyang presidential bid.


Continue reading below ↓

Kumalat kahapon, October 7, ang balitang luluwas ngayon sa Maynila si Sara para maghain ng kandidatura sa pagkapangulo.

Pero hanggang sa huli, nanindigan siyang tatapusin ang kanyang paglilingkod bilang mayor ng Davao City.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga tagapagtaguyod ni Sara na umaasang mauulit sa November 15, 2021 ang nangyari noong 2015.

Ang kanyang ama na si Rodrigo Duterte, na nahalal na pangulo ng Pilipinas noong May 2016, ang naging substitute o kapalit ng presidential candidate na si Martin Diño.

Ito ay sa kabila ng famous last words ng then former Davao City mayor noong September 2015: "I am not running [ for the presidency]. I am sorry. I believe it’s no longer my time to be in politics."

THE CIRCUS

May mga nakaramdam ng lungkot dahil natapos na ang isang linggo ng opisyal na pagsusumite ng mga kandidatura ng mga personalidad na naghatid ng panandaliang-aliw sa sambayanang Pilipino.

Continue reading below ↓

Marami kasi sa mga tatakbo sa darating na eleksyon ang walang kakayahan at walang karapatang magsilbi kaya pinagtatawanan sila.

Pero hindi dapat malumbay ang mga natuwa sa loob ng isang linggo dahil umpisa pa lamang ng circus ng undeserving candidates na tiyak na maghahatid ng higit na kasiyahan at katatawanan sa panahon ng kampanya hanggang sa araw ng eleksyon.

Mga kandidatong matindi pa sa mga comedian na tatakbo dahil ginawa nila na katatawanan ang mga sarili pero may mga kandidato na karapat-dapat na maluklok sa puwesto at ang taumbayan na ang bahala na magdesisyon sa nalalapit na eleksyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez (left), aktres na si Angelu de Leon (inset, top), comedian na si Long Mejia (inset, bottom), at ang senador na si Bato dela Rosa (right) sa mga naghain ng certificate of candidacy para sa 2022 elections.
PHOTO/S: Facebook / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results