Kim Atienza, hindi weather forecast ang ihahatid sa 24 Oras

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2021
Mapapanood na si Kim Atienza sa 24 Oras ng GMA-7 simula Lunes, October 11, pero hindi weather forecast ang kanyang ihahatid, gaya ng inaakala ng marami.
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs

Mainit ang pagsalubong kay Kim Atienza bilang bagong Kapuso sa 24 Oras noong nakaraang Lunes, October 4.

Simula naman sa darating na Lunes, October 11, regular nang mapapanood si Kim sa primetime newscast ng GMA-7 pero ibang segment at hindi weather forecast ang kanyang ihahatid, kahit may mga nagsasabing puwedeng siya muna ang mag-ulat tungkol sa lagay ng panahon habang hindi pa nakakabalik mula sa Australia si Nathaniel "Mang Tani" Cruz, ang resident meteorologist ng GMA Network Inc.

Gaya ni Kim, namamayagpag sa Kapuso Network ang mga dati at bagong lipat na talent ng ABS-CBN dahil hindi sila nawawalan ng mga programa.

Nag-umpisa na ang mga guesting ni Bea Alonzo sa iba’t ibang programa ng GMA-7 tulad ng The Boobay and Tekla Show, Bubble Gang at All Out Sundays bago niya umpisahan ang shooting ng A Moment to Remember, ang co-production venture ng GMA Films at Viva Films na pagbibidahan nila ni Alden Richards.

Continue reading below ↓

May mga haka-hakang si Alden din ang makakapareha ni Bea sa unang drama series nito sa GMA-7 pero may mga suggestion na pagsamahin uli sila ni Dingdong Dantes, ang leading man niya sa She’s The One, ang blockbuster movie ng Star Cinema noong 2013.

Hindi lamang sina Kim at Bea ang mga kilalang personalidad na nanggaling sa ABS-CBN na lumipat sa GMA-7 dahil nauna sa kanila si Ai-Ai delas Alas na bumalik sa Kapuso Network noong April 2015 at mula noon, hindi na nawalan ng mga television assignment ang Comedy Queen.

Nabigyan din agad ng mga project sa GMA-7 ang former Kapamilya stars na sina Albert Martinez (Las Hermanas), Beauty Gonzalez (Stories from the Heart), Xian Lim (Love.Die.Repeat) at Pokwang (Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento).

Madalas na napapanood sa mga programa ng Kapuso Network buhat nang umalis sa dating home studio nila ang ex-ABS-CBN stars sina Jason Abalos, Martin del Rosario, Kiray Celis, Khalil Ramos, Atom Araullo, Myrtle Sarrosa, Mark Bautista, Christian Bautista at Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mapapanood na si Kim Atienza sa 24 Oras ng GMA-7 simula Lunes, October 11, pero hindi weather forecast ang kanyang ihahatid, gaya ng inaakala ng marami.
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results