BarumBadings, magkakaroon ng five-part sequel?

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2021
Ayon kay Baron Geisler, may posibilidad na magkaroon ng five-part sequel ang BarumBadings, ang action-comedy movie na pinagbibidahan nila nina Mark Anthony Fernandez at Jeric Raval.

Sina Jeric Raval, Baron Geisler, Mark Anthony Fernandez at Joel Torre ang mga bida sa action comedy movie na BarumBadings Volume 1: Dead Mother Dead All pero iba ang mga pangalan nila na ginamit sa teaser ng pelikula na inilabas ngayong Sabado ng gabi, October 9, 2021,

Jewel Torre ang pangalan ni Joel, Jerica Raval si Jeric, Marie Antoinette Fernandez si Mark Anthony at Baroness Geisler si Baron sa teaser ng bagong movie project ng direktor na si Darryl Yap.

Baron Geisler
Darryl Yap
Jeric Raval
Mark Anthony Fernandez

Continue reading below ↓

Palaban, matapang at astig ang public image nina Jeric at Mark Anthony kaya marami ang nagtaka sa kanilang pagpayag na gumanap na drag queen sa BarumBadings.

Nagpadala kami kay Jeric ng mga katanungan tungkol sa karakter nito sa BarumBadings pero ang mga tanong lamang tungkol sa panliligaw ni Aljur Abrenica sa kanyang anak na si AJ Ravel ang pinili niyang sagutin.

Nonetheless, nagpasalamat pa rin kami kay Jeric sa exclusive interview na ipinagkaloob niya sa PEP dahil baka hindi na siya sumagot tungkol sa kontrobersyal na isyu sa nalalapit na virtual conference ng BarumBadings.

Dati nang gumaganap si Baron na gay sa mga pelikula at television series (gay ang role niya sa Di Na Muli, ang Saturday night drama anthology ng TV5), pero excited pa rin siya na nagkuwento tungkol sa BarumBadings na isiniwalat niyang magkakaroon ng sequel kahit sa November 5 pa ang streaming sa VivaMax ng kanilang pelikula.

Continue reading below ↓

“Focus muna ako sa BarumBadings kasi baka lang po may Volume 1, Volume 2, Volume 3, hanggang Volume 4 po yata,” ang pahayag ni Baron na nagsabing kasama siya sa lahat ng volume ng BarumBadings dahil ito ang narinig niya mula kay Yap.

“Sa Di Na Muli, sweet at lovable ako na bading. Komedyante ang character ko pero sa BarumBadings, maraming galit ang puso ng pagkabading ko. Galit ako sa mga nang-aapi sa third sex.

“Mga assassin kami nina Mark Anthony, Jeric Raval. Kuwela yung pelikula.”

Nang tanungin kung bakit mahusay siyang umarte na bading, mabilis ang pabiro na sagot ni Baron na “Feeling ko, ipinanganak ako noong May 10, hindi June 5. May 10, may ten-dency…

“Ini-enjoy ko talaga siya siguro [ang role] dahil hindi ako bakla.

“I always have this fascination of how they live kasi sobrang natutuwa ako sa kanila. Most of them are very successful, very smart.”

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Baron Geisler, may posibilidad na magkaroon ng five-part sequel ang BarumBadings, ang action-comedy movie na pinagbibidahan nila nina Mark Anthony Fernandez at Jeric Raval.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results