Gab Moreno, apo ni Kuya Germs, handa nang sumabak sa showbiz

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2021
Para sa kanyang kauna-unahang acting project, makakatambal ni Gab Moreno (left) si Bianca Umali sa episode ng GMA Regal Studio Presents na pinamagatang The Signs, na ipapalabas ngayong Linggo, October 10, 4:35 p.m. sa Kapuso Network.

Pumasok na rin sa showbiz ang 23-year-old archer na si Luis Gabriel Moreno na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas nang manalo siya ng gold medal sa archery sa Summer Youth Olympics na ginanap noong August 16 hanggang August 28, 2014 sa Nanjing, Jiangsu, China.

Gab Moreno

Continue reading below ↓

Gab Moreno ang screen name na ginamit ng aspiring actor na hindi baguhan sa showbiz dahil apo siya ng pumanaw na starbuilder at master showman na si German Moreno.

Pamangkin si Gab nina Vina Morales at Shaina Magdayao na mga kapatid ng kanyang nanay na si Shiela na ex-wife ni Federico Moreno, ang anak ni Kuya Germs at partner ngayon ni Harlene Bautista.

Nang manalo si Gab ng gold medal sa 2014 Summer Youth Olympics, binigyan siya ng tribute ni Kuya Germs sa Walang Tulugan with The Master Showman bilang pagkilala sa karangalan na ibinigay niya sa ating bansa.

Kung nabubuhay si Kuya Germs at nakita nito na artista na rin si Gab, naniniwala ang kanyang apo na tiyak na maligayang-maligaya ang lolo niya.

“Nalulungkot nga po ako na hindi niya po ako naabutan na pumasok sa pag-aartista sa industriyang ito pero feeling ko, tuwang-tuwa po siya.

“Alam ko po na sa mga apo niya, matagal na niya kaming gusto, kahit isa sa amin, ang mag-artista.

Continue reading below ↓

“Sobrang mahal ko po talaga ang lolo ko. I call him Papa, sobrang mahal ko po talaga iyan.

“Saka isa siya sa pinakamalaking inspirasyon sa buhay ko kaya natutuwa ako na napasok ko ang industriyang pinasukan niya at nakita ko po kung bakit siya napamahal dito.”

Ang The Signs, ang episode ng GMA Regal Studio Presents na mapapanood bukas, October 10, 4:35 pm, ang unang acting assignment ni Gab na itinuturing na mapalad ang sarili dahil nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho at makapareha si Bianca Umali.

“I am very lucky na I got to play it [my role] with Bianca. She’s a very good actress, yun ang pinaka-memorable sa akin,” ani Gab sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Trivia: Hindi nakakagulat ang rebelasyon ni Gab na pangarap ng kanyang Papa German na may apo ito na papasok sa showbiz.

Hindi naging artista ang tatay ni Gab na si Federico pero naranasan nitong mag-guest sa Superstar noong dekada ’80 at kumanta ng "If You’re Not Here," ang hit song ng Puerto Rican boy band na Menudo dahil sa kagustuhan ni German.

Continue reading below ↓

Ang Superstar (1975-1989) ang top-rating weekly primetime musical variety show ni Nora Aunor sa RPN-9 at si German ang kanyang co-host.

Hindi man pumasok sa showbiz si Federico, bahagi pa rin ito ng television and entertainment industry dahil board member siya ng MTRCB at presidente ng German Moreno Walk of Fame Philippines.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa kanyang kauna-unahang acting project, makakatambal ni Gab Moreno (left) si Bianca Umali sa episode ng GMA Regal Studio Presents na pinamagatang The Signs, na ipapalabas ngayong Linggo, October 10, 4:35 p.m. sa Kapuso Network.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results