MTRCB, magiging istrikto sa censorship ng streaming platforms?

by Jojo Gabinete
Oct 11, 2021
Sa pagbabalik ni Consoliza Laguardia bilang interim Officer-In-Charge (OIC) ng MTRCB, magiging mas istrikto ba ang censors sa mga streaming platform na nagdagsaan sa panahon ng pandemya?

Nagbitiw sa kanyang tungkulin si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas dahil muli itong kakandidato bilang house representative ng 3rd District ng lalawigan ng Pangasinan at siya ang magiging kapalit ng nanay niyang si Congresswoman Rosemarie “Baby” Arenas.

Naghain ng certificate of candidacy si Rachel noong October 1 sa Commission on Elections sa Dagupan City kaya nagpaalam na rin siya sa MTRCB.

Ang MTRCB board member na si Consoliza Laguardia ang itinalaga bilang Officer-In-Charge ng nasabing government agency at nagsimula ang kanyang panunungkulan noong October 1, 2021.

Sanay na sanay si Laguardia sa responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya dahil nanilbihan siyang MTRCB Chair mula 2003 hanggang 2010.

Si Laguardia ang pinakamatagal na naglingkod bilang MTRCB Chair dahil tumagal ng pito at kalahating taon ang kanyang panunungkulan.

Sa pakikipag-usap namin kay Laguardia nitong Linggo ng hapon, October 10, iginiit niyang OIC lamang siya ng MTRCB.

Aniya, “Please note, temporary OIC ako ng MTRCB at ang Malacanang ang magde-decide kung sino ang papalit kay Chair Rachel Arenas.”

Continue reading below ↓

Nang itanong namin ang mga hamon sa kanya bilang MTRCB OIC sa panahon ng coronavirus pandemic, sumagot si Laguardia ng, “Added responsibility for the love of MTRCB.

“More challenged that people I know, I can only see through Zoom. Sana matapos na ang pandemic para kita-kits na tayo sa industriya!”

Dahil sa parang ina na pag-aalaga at suporta na ipinakita niya, naging mabuting kaibigan ng industriya ng pelikula at telebisyon si Laguardia noong siya ang MTRCB Chair.

Nang magkaroon ng coronavirus pandemic, nagsulputan ang mga streaming platform na nagpapalabas ng mga pelikula na may mga mapapangahas na eksena tulad ng nudity, violence at malulutong na pagmumura kaya hiningi namin ang opinyon ni Laguardia tungkol sa mga ito.

“Presently, pinag-aaralan iyan ng MTRCB dahil streaming platforms that shows movies ay nasa pangangalaga pa rin ng MTRCB.

“Kailangan classified according to age at sumasang-ayon sa culture natin,” pahayag ni Laguardia.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagbabalik ni Consoliza Laguardia bilang interim Officer-In-Charge (OIC) ng MTRCB, magiging mas istrikto ba ang censors sa mga streaming platform na nagdagsaan sa panahon ng pandemya?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results