Sheree Bautista, nag-nude pictorial para sa kanyang art exhibit

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2021
Former Viva Hotbabe Sheree Bautista, nag-nude pictorial para sa kanyang forthcoming art exhibit. (Photos by Jake Morales and Ela Gonzales)

May paliwanag ang sexy actress na si Sheree Bautista tungkol sa nude pictorial na nagpapakita ng kanyang voluptuous figure habang nagpipinta. Ayon sa aktres, ito ay gagamitin para sa upcoming art exhibit niya.

Sheree Bautista

“My body, my art, my decision” ang makahulugang pagsasalarawan ni Sheree tungkol sa kanyang nude pictorial.

“I am letting go, setting free all my inhibitions. I’m being comfortable with my skin and freedom to do what I love.

Continue reading below ↓

“My hope is to inspire people to be brave and empower women all over the world. We have to take care of ourselves and not be afraid to create and do what we love to do in the midst of hardship.”

May formal education si Sheree sa pagpipinta dahil tinuruan siya ng kanyang mga mentor na sina Art Dela Cruz at Alfred Galvez.

Nagsimula siyang magpinta noong 2009 at nasubukan na niyang sumali sa mga art exhibit sa iba’t ibang bansa.

“I learned painting in acrylic from Art Dela Cruz and oil painting and sketching at Galvez Atelier from the master himself, Alfred Galvez.

“When I paint, I paint with my soul. I paint with my heart and my whole being. I channel all my energy to the objects I am working on,” ang sabi ni Sheree na naniniwalang naisasalin nito sa mga bumibili ng mga art work niya ang positive energy, suwerte at magandang intensyon ng kanyang puso.

Continue reading below ↓

Ang kanyang mga karanasan sa buhay ang isa sa mga inspirasyon ni Sheree sa pagpipinta at paborito niya ang mga elemento ng tubig, mga tao at mga hayop.

“Ang inspiration ko ay life itself. I get all the ideas from random thoughts, experiences, minsan napapanaginipan ko, then I paint them.

“Sometimes, I look at an object and it gives me a certain feeling or it resonates with me. Sometimes, it’s the music that I listen to.

“I paint something that gives me positive vibes because it makes me feel good.

“My favorite subjects are elements of water, air and life like fish, horses, birds and people, though ang pinakamarami na akong na-release na paintings is the '9 Lucky Koi.' Personally, it gives good luck to me and hopefully, to others too.”

Sheree Bautista

Continue reading below ↓

Sheree Bautista

Kahit mapangahas ang kanyang nude pictorial, hindi pa nasusubukan ni Sheree na maging model para sa isang nude painting session na isa sa mga gusto niyang maranasan.

“I would love to do it one of these days, for a very, very good painter sa field na yun. But I did a nude painting workshop before, but I was the painter.”

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Viva Hotbabe Sheree Bautista, nag-nude pictorial para sa kanyang forthcoming art exhibit. (Photos by Jake Morales and Ela Gonzales)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results