Mel Tiangco, naka-relate kay Kim Atienza na dating Kapamilya at galing ng TV Patrol

by Jojo Gabinete
Oct 11, 2021
Mel Tiangco on Kim Atienza's first day in 24 Oras: "Welcome sa 24 Oras, ha. Kumusta? Anong pakiramdam mo na nasa ibang tahanan ka ngayon?
PHOTO/S: Screengrab from 24 Oras

Parehong naging parte ng ABS-CBN prime-time news program na TV Patrol ang common denominator nina Kim Atienza at Mel Tiangco.

Ito ang naalaala ng Kapuso viewers sa mainit na pagsalubong message ng respected broadcast journalist sa former weatherman ng ABS-CBN na kalilipat lamang sa GMA-7.

Ngayong Lunes ng gabi, October 11, nagsimula si Kim bilang host ng bagong segment ng 24 Oras na "Ano Na?"

Masaya at nakangiting sabi ni Mel kay Kim: "Welcome sa 24 Oras, ha. Kumusta? Anong pakiramdam mo na nasa ibang tahanan ka ngayon? At siyempre, iba ang iyong mga kasama ngayon, kami nina Vicky.

"Alam mo, iba ang atmosphere ‘ika nga, ganoon ba, Kuya Kim?”

Sagot ni Kim: "Alam mo, Tita Mel, talagang feel na feel ko ang pangalan ng ating istasyon.

"Talagang feel na feel ko ang pagmamahal at ang puso ng lahat ng mga tumanggap sa akin dito.

"Maraming-maraming salamat sa inyong lahat."

Continue reading below ↓

Sa mga hindi nakakaalam, si Mel ay naging anchor ng TV Patrol mula 1987 hanggang 1995.

Pero lumipat siya sa GMA-7 noong 1996 at naging masalimuot dahil nagkaroon pa ng court case ang pag-alis niya sa ABS-CBN.

Hindi na nagpang-abot sa ABS-CBN sina Mel at Kim dahil nag-umpisa ang huli bilang weatherman ng TV Patrol noong 2005 na tumagal hanggang October 1, 2021.

Nang magtanong naman si Vicky Morales tungkol sa mensahe niya sa mga Kapuso, ito ang pahayag ni Kim:

"Sa lahat ng mga Kapuso, maraming-maraming salamat sa napakainit na pagtanggap ninyo sa akin bilang bagong Kapuso.

"I shall do my best to be the best Kuya Kim that I can be by God’s grace.

"Maraming-maraming salamat.”

Tungkol sa mga buwaya ang tinalakay ni Kim sa pilot episode ng kanyang segment sa 24 Oras, at tila sinadya na ang former Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang pinagtanong sa kanya kung gaano kapanganib ang mga buwaya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mel Tiangco on Kim Atienza's first day in 24 Oras: "Welcome sa 24 Oras, ha. Kumusta? Anong pakiramdam mo na nasa ibang tahanan ka ngayon?
PHOTO/S: Screengrab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results