Julia Barretto, nahihiya sa titulong "Drama Princess Royalty of the Century"

by Jojo Gabinete
6 days ago
Julia Barretto: “I’m flattered, I’m grateful, and I don’t know… nahihiya ako. Parang there’s still so much work I should be doing but I’m grateful for that. Thank you kasi parang, kumbaga, na-recognize din ako in some way or another.”
PHOTO/S: Viva Television

“Drama Princess Royalty of the Century” ang introduction kay Julia Barretto sa virtual media conference ng Di Na Muli na naganap ngayong Martes ng gabi, October 12.

"Nahihiya ako," reaksiyon ni Julia tungkol sa titulong iginawad sa kanya ng Viva Television.

"Nakakahiya yung century… ang bagets ko pa rin, e, 24 [years old], bagets pa ako, pero nahihiya ako.

“I’m flattered, I’m grateful, and I don’t know… nahihiya ako.

"Parang there’s still so much work I should be doing but I’m grateful for that.

“Thank you kasi parang, kumbaga, na-recognize din ako in some way or another.”

Bakas sa mukha ni Julia ang hiya na nararamdaman dahil sa "Drama Princess Royalty of the Century" title na ibinigay sa kanya.

Ang Di Na Muli ang unang drama series ni Julia sa TV5 at pagkatapos niyang umalis ng ABS-CBN.

Ang huli niyang teleserye sa ABS-CBN ay ang Ngayon at Kailanman, na umere mula August 20, 2018 hanggang January 18, 2019. Nakatambal niya rito ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Continue reading below ↓

Tulad ng pamagat ng kanilang drama series, ano ang di na muli niyang gagawin na may kinalaman sa pag-ibig?

Sagot ng aktres, “Di na muli ako mag-o-overshare tungkol sa mga personal relationship.”

Nagkaroon ng media conference ang Di Na Muli dahil ibinalita ni Julia at ng kanyang leading men na sina Marco Gumabao at Marco Gallo na mapapanood na rin sa Vivamax ang kanilang drama series simula sa October 22.

Nag-umpisang umere ang Di Na Muli sa TV5 noong September 18, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto: “I’m flattered, I’m grateful, and I don’t know… nahihiya ako. Parang there’s still so much work I should be doing but I’m grateful for that. Thank you kasi parang, kumbaga, na-recognize din ako in some way or another.”
PHOTO/S: Viva Television
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results