Viral video nina Marco Gumabao at Ivana Alawi habang nagbi-videoke, luma na

by Jojo Gabinete
6 days ago
“Lagi naman akong inspired. Yes, I’m inspired,” says Marco Gumabao when asked if he's inspired nowadays. The entertainment press were quick to speculate that Marco is referring to Ivana Alawi because of a viral video of the two stars singing in a KTV bar.
PHOTO/S: @gumabaomarco / @ivanaalawi on Instagram

Nabiktima ang ilang gullible netizens ng old video nina Marco Gumabao at Ivana Alawi habang magkasama at kumakanta ang dalawa sa isang KTV bar.

Pinatulan agad ng clueless netizens ang isyu kaya kumalat sa social media ngayong Martes, October 12, ang balitang “officially a couple sina Marco at Ivana?”

Naisahan ng source ng video ang mapagpaniwalang netizens dahil kung magiging matalas ang mata ng manonood, mapapansin nilang maiksi pa ang buhok ni Ivana at malaya pang nakakapunta sa mga bar ang mga tao.

Sinabi ng isang nakakaalam sa tunay na kuwento na pre-pandemic pa nangyari ang KTV bar date nina Marco at Ivana.

Alam naman ng lahat na hindi pa pinapayagang magbukas ang mga videoke bar at bawal pa ang mag-inuman buhat nang ideklara ang enforced quarantine sa Metro Manila at Luzon noong March 2020 bilang safety measure laban sa coronavirus pandemic.

Ngayong Martes ng gabi, October 12, ginanap ang virtual media conference ng Di Na Muli, ang TV5 drama series nina Julia Barretto, Marco Gumabao at Marco Gallo.

Continue reading below ↓

Nang tanungin si Marco Gumabao kung inspirado ito ngayon, sumagot siya ng “Lagi naman akong inspired. Yes, I’m inspired.”

Dahil dito, inakala ng ilang miyembro ng entertainment press na may kinalaman si Ivana sa sagot ng 27-year-old actor.

Walang kaalam-alam si Julia sa isyung kinasasangkutan ni Marco, pero naging maagap siya sa pagsasalita para hindi na malagay ang kanyang kaibigan sa alanganing sitwasyon.

Ayon kay Julia, “I’m sure si Marco will talk about it when he’s ready to talk about it.

"I think everyone is still in shock and he’s still overwhelmed kasi si Marco is the type of guy na kapag private life niya, gusto niya private lang."

Kilalang-kilala ni Julia si Marco Gumabao dahil walong taon na silang magkaibigan kaya alam niya kapag may nagpapasaya sa kanyang leading man sa Di Na Muli.

Saad ng aktres, “We’ve been friends for eight years now.I think I can tell Marco really likes a girl.

Continue reading below ↓

“I know when Marco is actually going to pursue a girl. I know that because I know how he behaves when he’s in love.

"I know how he starts acting like he’s in love, but I also know Marco when he’s unsure.

“I also know Marco when he’s nervous. I also know Marco when he’s afraid,” sabi ni Julia tungkol sa kaibigan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Lagi naman akong inspired. Yes, I’m inspired,” says Marco Gumabao when asked if he's inspired nowadays. The entertainment press were quick to speculate that Marco is referring to Ivana Alawi because of a viral video of the two stars singing in a KTV bar.
PHOTO/S: @gumabaomarco / @ivanaalawi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results