Jeric Raval, nahirapan sa fight scenes habang naka-stilettos sa BarumBadings

by Jojo Gabinete
Oct 13, 2021
jeric raval in drag
Jeric Raval: "Napakahirap talagang mag-fight scene nang naka-stiletto at yung takbuhan namin na naka-stiletto shoes. Kapag nasa hotel room ako, ang ginagawa ko, nagpa-practice akong maglakad mag-isa para lang makapaglakad ako nang maganda."
PHOTO/S: Viva Films

Bilang isang action star, barakong-barako si Jeric Raval sa kanyang mga nakaraang pelikula kaya nahirapan siya sa drag-queen role niya sa BarumBadings.

Hindi madali para kay Jeric na magbihis-babae, magsuot ng stiletto shoes, at gumamit ng bra sa mga eksena nila nina Baron Geisler at Mark Anthony Fernandez, pero tinanggap niya ang project dahil maganda ito.

Kuwento ng action star, “Napakahirap talagang mag-fight scene nang naka-stiletto at yung takbuhan namin na naka-stiletto shoes.

“Kapag nasa hotel room ako, ang ginagawa ko, nagpa-practice akong maglakad mag-isa para lang makapaglakad ako nang maganda.

“Una, inaalibadbaran ako dahil ang suot ko bra tapos leggings.

“Tapos naisip ko na, 'Irespeto pa kaya ako ng fans ko kapag nakita nila ako?'

"Pero sa kalagitnaan ng shooting ng movie, na-enjoy naman namin nina Mark at Baron.

"Okay naman ang kinalabasan. Maganda naman."

Patuloy ni Jeric, "Sabi ko nga, hindi ako nagkamali sa pagpili ng movie na 'to at very supportive ang lahat ng katrabaho namin.

Continue reading below ↓

"Ang mga artista, especially yung direktor namin, napakahaba ng pasensiya."

Nakausap ng Cabinet Files si Jeric sa virtual presscon ng BarumBadings na nangyari ngayong Miyerkules ng hapon, October 13.

Nagsimula noong 1991 ang showbiz career ni Jeric, na hindi nagkailang ikinagulat nito ang napakaraming bilang ng mga gay sa industriya na pinasok niya.

Aminado si Jeric na may pagkasuplado ito noon, pero nang tumagal, nagkaroon siya ng maraming kaibigang bakla.

Kuwento niya, “Noong unang pagpasok ko sa showbiz, ang daming bading, 'sangrekwa. Paano kaya ito?

“Saka nung araw, noong medyo bata-bata pa ako, medyo supladito tayo nang konti.

“As time went by, nasanay naman ako. Nagkaroon din ako ng maraming kaibigan na bakla. Ayos naman sila.

“In fact, yung isang lawyer ko, bading. Sa bahay, may mga kasama rin ako na bading. Nagkaroon din ako ng alalay na bading.

"So, sanay naman na ako."

Trivia: Mula sa pangalan ng mga dating miyembro ng Sexbomb Dancers ang pangalan ng mga karakter nina Jeric, Mark Anthony, Baron, at Joel Torre sa BarumBadings.

Continue reading below ↓

Si Jeric si Izzy, si Mark Anthony si Jopay, si Baron si Rochelle, at si Joel si Mother Joy.

Si Darryl Yap ang direktor at sumulat ng kuwento ng BarumBadings.

Noong kabataan ni Darryl, ang Sexbomb Dancers ang kanyang paboritong dance group.

Bilang tribute, ipinangalan niya sa mga dancer at manager ng SexBomb na si Joy Cancio ang mga pangunahing karakter ng BarumBadings.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval: "Napakahirap talagang mag-fight scene nang naka-stiletto at yung takbuhan namin na naka-stiletto shoes. Kapag nasa hotel room ako, ang ginagawa ko, nagpa-practice akong maglakad mag-isa para lang makapaglakad ako nang maganda."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results