Luke Conde: "Masaya po ako na isa na po akong Kapuso."

by Jojo Gabinete
5 days ago
Luke Conde on losing friends and loved ones from COVID-19: "Yung pangyayari po na yun ang nagpaalala sa akin na everything is temporary in this life kaya let's take advantage of every single moment that we have. Let's not take for granted people and things around us. Let's count our blessings and be grateful for whatever it is that we have.”
PHOTO/S: @lukeconde07 on Instagram

"Masaya po ako na isa na po akong Kapuso."

Ito ang deklarasyon ng ex-Hashtags member at former ABS-CBN actor na si Luke Conde sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules, October 13.

Apat na buwan na ang nakalilipas buhat nang lumipat si Luke sa GMA-7.

Ayon sa kanya, “Hindi po tinatawag ang Kapuso Network na Kapuso for no reason dahil na-experience ko po mismo kung gaano kababait ang mga Kapuso.

"Accommodating po ang lahat ng mga artist at production crew na nakatrabaho ko.”

Thriving o umunlad ang acting career ni Luke nang lumipat siya sa GMA-7 dahil sunud-sunod ang mga guesting niya sa Wish Ko Lang, Mars Pa More ,Taste Buddies, Magpakailanman, Imbestigador, Stories from the Heart, at Tadhana.

Sa darating na Linggo, October 17, ay mapapanood naman si Luke sa episode ng Dear Uge.

Ito ang unang pagkakataong nag-guest siya sa comedy anthology ni Eugene Domingo.

Continue reading below ↓

Memorable kay Luke ang guesting nito sa Dear Uge dahil tulad ng kanyang nauna nang pahayag, mababait ang production staff at ang co-stars niyang sina Kim Rodriguez, Cai Cortez, at Dennis Padilla.


Cai Cortez, Luke Conde, Kim Rodriguez, and Dennis Padilla in a scene from Dear Uge

Continue reading below ↓

“It was fun working with the whole cast and crew. Parang hindi ka po nagtatrabaho dahil light ang atmosphere sa set.

“Na-meet ko po si Miss Uge [Eugene Domingo] pero saglit lang. Malakas po na maka-good vibes ang dating sa akin ni Miss Uge,” sabi ni Luke.

LIFE AS A GRAPHIC ARTIST

Bago nagdesisyon si Luke na maging Kapuso, malaki ang epekto sa kanya ng coronavirus pandemic na naging dahilan para balikan ng 29-year-old actor ang pagiging graphic artist, isa sa mga source of income niya noong hindi pa siya artista.

“During this pandemic, I was able to go back to some activities na ginagawa ko before nung hindi pa ako nag-aartista, like yung pagiging graphic artist ko po na isa sa mga nakatulong sa akin dahil nakapag-offer ako ng mga logo design.

“Naranasan ko rin po na mag-livestream sa isang live streaming app na nakatulong din sa akin financially, at nakilala ko ang mga tao na itinuturing ko na ngayong mga kaibigan,” kuwento ni Luke.

Continue reading below ↓

Ipinakita ni Luke sa Cabinet Files ang ilang sample ng logo ng mga produktong kanyang ginawa.


May hatid ding kalungkutan para kay Luke ang pandemya dahil nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang mga kakilala at kamag-anak na binawian ng buhay.

Saad niya, “Marami po akong kakilala na nawala na at nawalan din ako ng kamag-anak o pamilya dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

"Yung pangyayari po na yun ang nagpaalala sa akin na everything is temporary in this life kaya let's take advantage of every single moment that we have.

“Let's not take for granted people and things around us. Let's count our blessings and be grateful for whatever it is that we have.”

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luke Conde on losing friends and loved ones from COVID-19: "Yung pangyayari po na yun ang nagpaalala sa akin na everything is temporary in this life kaya let's take advantage of every single moment that we have. Let's not take for granted people and things around us. Let's count our blessings and be grateful for whatever it is that we have.”
PHOTO/S: @lukeconde07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results