Sean de Guzman, "happy" para kina AJ Raval at Aljur Abrenica

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2021
PHOTO/S: Viva Films

“Para sa akin po, I’m happy naman para sa kanilang dalawa, kung anuman yung status nila.”

Ito ang diretsahan at maiksing sagot ni Sean de Guzman nang tanungin sa digital media conference ng Mahjong Nights tungkol sa relasyon ngayon nina AJ Raval at Aljur Abrenica.

Nagkasama ang tatlo sa sexy movie na Nerisa, pero sina Sean at AJ ang magkapareha, samantalang si Cindy Miranda ang love interest ni Aljur.

Hindi inilihim ni AJ ang sobrang pagkagiliw niya kay Sean, lalo na nang magkasama sila sa erotic thriller film na Taya.

Saksi ang production staff at co-stars nina AJ at Sean sa Taya sa kanilang lambingan at "bugbugan" na biruan sa set.

Naniwala silang malaki ang tsansang humantong sa relasyon ang closeness ng dalawa kaya kabilang sila sa mga nagulat nang malaman nilang sina AJ at Aljur ang nagkakamabutihan sa tunay na buhay.

Nasorpresa rin ang entertainment writers sa namumuong love affair nina Aljur at AJ dahil nasaksihan nila sa presscon noon ng Nerisa at Taya ang mga matatamis na salita ng anak ni Jeric Raval para kay Sean.

Continue reading below ↓

Mula mula nang aminin ni AJ sa publiko ang panliligaw sa kanya ni Aljur, napansin ng social media followers nila ni Sean na hindi na siya nagkokomento sa mga post ng 21-year-old actor.

May mga nanghinayang sa naudlot na "budding romance" nina AJ at Sean dahil bukod sa bagay sila, binatang-binata ang aktor.

Napatunayan nina AJ at Sean ang kanilang malakas na onscreen chemistry sa Taya, na nag-umpisang mapanood sa Vivamax noong August 27. Matagal itong nanatili sa number one spot at, hanggang ngayon, hindi nawawala sa Top 10 content ng nasabing streaming platform.

Incidentally, si Angeli Khang, na introducing at maikli lamang ang role sa Taya, ang bida sa Mahjong Nights.

Launching movie ni Angeli ang Mahjong Nights at si Sean ang kanyang leading man.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results