Albert Martinez, nagsalita na tungkol sa pagkaka-link niya kay Faith da Silva

by Jojo Gabinete
Oct 15, 2021
Albert Martinez on falling in love again six years after his wife Liezl Martinez passed away: “I’m still going through the process of losing a loved a one but, if for example in the near future, I need someone, kumbaga [who will], make my heart beat again, why not? But for now, I’m still enjoying muna yung moments ko with my kids.”
PHOTO/S: GMA Network

Anim na taon nang biyudo si Albert Martinez pero hanggang ngayon, pinagdaraanan pa rin niya ang pagkawala ng kanyang asawa na si Liezl Martinez na pumanaw noong March 14, 2015 dahil sa breast cancer.

Ito ang sinabi ng 60-year-old actor sa virtual media conference ng Las Hermanas ngayong Biyernes ng gabi, October 15, 2021.

“I’m still going through the process of losing a loved a one but, if for example in the near future, I need someone, kumbaga [who will], make my heart beat again, why not?

"But for now, I’m still enjoying muna yung moments ko with my kids,” sagot ni Albert nang tanungin ito sa posibilidad na magmahal muli.

Ang Las Hermanas ang unang project ni Albert sa pagbabalik nito sa Kapuso Network.

Sa kuwento ng drama series na mapapanood simula sa October 25, ang karakter ni Albert ang magiging dahilan para magkaroon ng conflict ang tatlong magkakapatid na ginagampanan nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng isyu sa lock-in taping ng Las Hermanas dahil kumalat ang balitang nagkakamabutihan sina Albert at Faith, ang 20-year-old daughter ng former actor na si Dennis Da Silva.

Ang PEP Troika member na si Gorgy Rula ang naglakas-loob magtanong kay Albert tungkol sa rumored romance nila ni Faith, pero walang inamin o pinabulaanan ang seasoned actor.

Saad niya, “I’ve been in this industry since 1981. I’ve been there, done that. I’m not affected at all, it’s show business.

“Show business is a part of entertainment and that’s [intrigues] part of entertainment. It doesn’t bother me.

“Yung sinasabi nila about Faith, I believe it worked for both of us because the chemistry was there.

"And siguro, I will feel bad if hindi nag-work yung chemistry because it’s my intention, to make sure na maging believable siya sa eyes ng public. Maging believable siya sa narrative and it worked.

“Yung sideline na pinag-uusapan nila is part of the whole thing, but it’s okay, it helped the project and I believe, it’s not that bad at all,” sabi ni Albert, na sinagot ang isyu tungkol sa kanila ni Faith sa kauna-unahang pagkakataon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albert Martinez on falling in love again six years after his wife Liezl Martinez passed away: “I’m still going through the process of losing a loved a one but, if for example in the near future, I need someone, kumbaga [who will], make my heart beat again, why not? But for now, I’m still enjoying muna yung moments ko with my kids.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results