Watch Now

Sunshine Guimary at Marco Gomez, nagmarka sa House Tour

by Jojo Gabinete
Oct 16, 2021
Sunshine Guimary and Marco Gomez are featured in the new Vivamax movie House Tour, which also stars Cindy Miranda, Mark Anthony Fernandez, Diego Loyzaga, and Rafael Siguion-Reyna.
PHOTO/S: Viva Films

From The Housemaid to House Tour.

Pinuri ng film critics ang Philippine adaptation ng The Housemaid, ang launching movie ng former beauty queen na si Kylie Verzosa.

Ang original South Korean film version ay ipinalabas sa Cannes Film Festival ng France noong May 2010.

Si Roman Perez Jr. ang direktor ng acclaimed at blockbuster Philippine adaptation ng The Housemaid.

Muli siyang nagbabalik sa heist movie na House Tour na pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Diego Loyzaga, Rafael Siguion-Reyna, at Marco Gomez.

Muling pinatunayan ni Perez sa House Tour ang kanyang husay sa pagsusulat ng kuwento at paggawa ng pelikula dahil sa mga makapigil-hiningang eksena.

Kung mainit ang mga sexy scene nina Cindy at Sunshine, matitindi rin ang mga action at violent scene sa pelikula na medyo maikukumpara ang kuwento sa award-winning South Korean movie na Parasite.

Napansin ang natural acting ability ni Sunshine sa kanyang unang pelikula, ang Kaka, at sa Shoot! Shoot: Di Ko Siya Titigilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa House Tour, ipinakita uli ng Cebuana actress ang galing niya sa pag-arte dahil nangibabaw siya sa kanyang role bilang starlet na nakalagay sa social media ang bawat kilos.

Tiyak na makikita ng mga artista ang kanilang sarili sa karakter ni Sunshine at sa showbiz parody scenes na nangyayari at ginagawa sa tunay na buhay ng mga local celebrity.

Sa cast ng House Tour, ang newbie actor na si Marco Gomez ang isa sa mga pinakamasuwerte dahil sa kanyang karakter na siguradong magmamarka sa manonood.

Unang inialok ang kanyang sa isang popular singer-actor na tumanggi. Pinakawalan ng singer-actor ang project dahil sa takot niya sa COVID-19 kaya hindi siya lumalabas ng bahay.

Hindi rin mabibigyan ng singer-actor ng hustisya ang karakter na dapat na gagampanan niya dahil hindi siya kasing-tapang ni Marco sa paghuhubad sa harap ng kamera.

Unang ipinakilala si Marco sa sexy movie na Silab.

Ngayong 2021, pangatlo na siya sa aktor na M.G. ang initials ng pangalan at contract star ng Viva Artists Agency dahil nauna si Marco Gumabao na sinundan ni Marco Gallo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Guimary and Marco Gomez are featured in the new Vivamax movie House Tour, which also stars Cindy Miranda, Mark Anthony Fernandez, Diego Loyzaga, and Rafael Siguion-Reyna.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results