Former Survivor contestant Jace Flores, inakusahan ng pagsasangla ng carnapped na sasakyan

by Jojo Gabinete
Oct 16, 2021
Sangkot nga ba ang former Survivor Philippines season 1 contender na si Jace Flores sa isang swindling scam? Nagsangla umano siya ng Toyota Fortuner sa movie producer/talent manager na si Len Carrillo, pero sa kalaunan ay napag-alamang carnapped pala ang nasabing sasakyan.

Hindi na mahagilap ng talent manager at movie producer na si Len Carrillo si Reynaldo “Jace” Flores, na nagsangla sa kanya ng Toyota Fortuner sa halagang kalahating milyong piso (PHP 500,000) noong September 5, 2021.

Si Jace ay isang aktor at former Survivor Philippines Season 1 contender

Ayon kay Carrillo, ang kaibigan niyang si Maxi Abanes ang naglapit kay Jace sa kanya.

Dahil daw sa kagustuhan niyang makatulong sa mga nangangailangan at bilang showbiz personality rin si Jace, agad na nagtiwala ang producer ng Silab at manager nina Sean de Guzman, Cloe Barreto, at Marco Gomez.

Lahad ni Carrillo sa Cabinet Files ngayong Sabado ng hapon, October 16, “Inilapit sa akin si Jace ng kaibigan ko na si Maxi. Kailangan daw niya po ng pera para pangnegosyo at after a month, ibabalik din niya ang pera.

“Iniwan po niya sa akin ang car na may OR/CR, isang susi, ID at kasulatan ng nanghiram siya.”

Continue reading below ↓

Hawak ni Carrillo na ebidensiya ang video habang ginagawa ni Jace ang kasulatan na nagpapatunay na tumanggap ang aktor ng pera mula sa kanya.

Pero sa dokumentong ginawa ni Jace, P350,000 at hindi kalahating milyong piso ang isinulat niya.

Jace Flores signed document

“Mali po ang inilagay niyang amount. Hindi ko na napansin kasi during that time, nasa shooting ako ng Moonlight Butterfly.

"Ipinadala ko lang ang pera sa tao ko. Isinulat at nilagdaan nito," paliwanag ni Carrillo tungkol sa maling halaga ng pera na inilagay ni Jace sa kasulatan.

Makalipas ang isang buwan, saka nalaman ni Carrillo ang masakit na katotohanan: carnapped pala ang sasakyang isinangla ni Jace sa kanya.

“After a month, nalaman ko na carnapped ang car na isinangla ni Jace sa akin.

“Three days ago, biglang pumunta sa amin ang mga pulis. May tracker ang sasakyan at sinabi ng mga pulis na carnapped pala yung Fortuner kaya wala akong nagawa kundi i-surrender ang sasakyan.

“Hindi na rin sinasagot ni Jace ang mga tawag sa kanya ni Maxi,” rebelasyon ni Carrillo.

Jace Flores white Toyota Fortuner

Continue reading below ↓

Napilitan daw lumantad ang movie producer para hindi na madagdagan ang mga taong magiging biktima ni Jace.

“Hindi na ako after na mabawi ang kalahating milyong piso. Ang akin na lang, huwag na siyang makapangloko ng ibang mga tao,” aniya.

Nagulat si Carrillo nang malaman niyang hindi lamang siya ang pinagtataguan ni Jace dahil hinahanap din ito ng mga may-ari ng mga car rental company.

Sinubukan ng Cabinet Files na hingin ang panig ni Jace tungkol sa mga akusasyon ni Carrillo sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa Instagram account niya.

Pero biglang naging pribado na ang kanyang Instagram account matapos kumalat sa social media ang isyu na kanyang kinasasangkutan ngayong Sabado ng gabi.

Jace Flores instagram account locked to private

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Jace sa isyung ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sangkot nga ba ang former Survivor Philippines season 1 contender na si Jace Flores sa isang swindling scam? Nagsangla umano siya ng Toyota Fortuner sa movie producer/talent manager na si Len Carrillo, pero sa kalaunan ay napag-alamang carnapped pala ang nasabing sasakyan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results