Fil-Korean sexy star Angeli Khang, inaming "stepping stone" lang ang pagpapaseksi sa pelikula

by Jojo Gabinete
Oct 18, 2021
Angeli Khang: "Thankful po ako na half-Korean ako dahil kapag nalalaman ng mga tao, naa-amaze sila, lalo na magaling ako magsalita ng Tagalog. Sabi po nila, nakakasabay ako sa mga pag-uusap."
PHOTO/S: @b.angelikhang on Instagram

Ang Taya ang unang pelikula ng baguhang sexy star na si Angeli Khang kaya hindi ito makapaniwalang mabibigyan agad siya ng launching movie.

Ito ay sa pamamagitan ng Mahjong Nights na pinagbibidahan nila nina Jay Manalo at Sean de Guzman.

Nalilinya si Angeli sa paggawa ng mga sexy movie, pero ipinagtapat ng 20-year-old half-Filipino half-Korean actress na "stepping stone" lamang niya ang pagpapaseksi sa pelikula para matupad ang kanyang pangarap maging artista.

Ang mahusay na pagsasalita ang unang mapapansin kay Angeli na hindi nakagugulat dahil nagtapos siya ng pag-aaral sa isang international school sa Pilipinas. Dalawang taon din siyang nanirahan sa Amerika.

Kahit hiwalay ang mga magulang, maayos ang pagpapalaki kay Angeli ng kanyang ina na pastora o preacher sa religious community na kinaaaniban at ng tatay niyang isang ex-military general sa Saipan.

Pumasok si Angeli sa showbiz sa panahong nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga Korean actor, movies, at drama series na itinuturing niyang advantage para sa kanya.

Continue reading below ↓

“Thankful po ako na half-Korean ako dahil kapag nalalaman ng mga tao, naa-amaze sila, lalo na magaling ako magsalita ng Tagalog. Sabi po nila, nakakasabay ako sa mga pag-uusap.

“Sobrang thankful ako na meron akong knowledge at asset na ganito,” sabi ni Angeli, na gamay rin ang pagsasalita ng Korean language.

Dahil nakikilala sa buong mundo ang mga Korean celebrity, nangangarap si Angeli na magkaroon ng showbiz career sa bansang pinagmulan ng kanyang ama.

“It’s a privilege po kung sakaling maging artista ako sa South Korea dahil it’s a Filipino pride and, I think, magiging blessed ako,” ani Angeli.

Mahjong Nights ang pamagat ng launching movie ni Angeli dahil tungkol sa mga nangyayari sa buhay ng mga karakter habang naglalaro ng mahjong ang kuwento ng pelikula.

Para maging makatotohanan sa papel na kanyang ginampanan, nag-aral ng mahjong si Angeli, na nahirapan dahil hindi madaling matutunan ang tile-based game na nagmula sa China.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeli Khang: "Thankful po ako na half-Korean ako dahil kapag nalalaman ng mga tao, naa-amaze sila, lalo na magaling ako magsalita ng Tagalog. Sabi po nila, nakakasabay ako sa mga pag-uusap."
PHOTO/S: @b.angelikhang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results