Watch Now

Vic Sotto, enjoy sa work-from-home setup; CGI ang mga eksena sa Daddy's Gurl

by Jojo Gabinete
Oct 20, 2021
Vic Sotto on being a co-producer of Daddy's Gurl: "Hindi naman ako yung tipo na pupunta na lang sa set, magsu-shoot na lang after matanggap ko ‘yung script. I have to get involved. But most of the dirty work, kay Direk Chris and the staff. Pero siyempre, lahat ng nangyayari, e, dumadaan sa akin."
PHOTO/S: pauleenlunasotto on Instagram

Nanibago si Vic Sotto nang magkaroon ng coronavirus pandemic dahil sa loob ng apatnapung (40) taon, nasanay siyang araw-araw na lumalabas mula sa kanyang bahay para magtrabaho.

Pero nagustuhan na ni Vic ang work from home set-up ng Eat Bulaga! at Daddy’s Gurl dahil nagkaroon siya ng mas maraming panahon, hindi lamang para sa sarili kundi para sa kanyang pamilya.

“Enjoy ako sa bahay. Dun ko lang na-realize na ang tagal ko na pala lumalabas ng bahay, araw-araw.

“Umuuwi ako, gabi na o madaling-araw. Ang sarap pala sa bahay, ang sarap na nasa bahay ka lang.

"At suwerte ko naman, may mga entertainer ako dito na ang pangalan ay Pauleen at Tali kaya okay na ako. I’m enjoying it,” sabi ni Vic sa virtual media conference na naganap nitong Martes ng hapon, October 19.

Si Pauleen Luna ang misis ni Vic at si Tali naman ang kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula sa October 23, mga fresh episode ng Daddy’s Gurl ang mapapanood.

Sa tulong ng computer generated imagery o CGI, mapapanood ang mga eksena ni Vic sa set ng kanilang sitcom kahit nasa bahay lamang siya.

Nadagdagan ang cast members ng Daddy’s Gurl dahil gaganap na boarders ang Kapuso actors na sina Prince Clemente, Prince Carlos, at Carlo San Juan.

Prince Clemente, Prince Carlos, Carlo San Juan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Prince Clemente, Prince Carlos, and Carlo San Juan

May plano ring bigyan ng love interest ang karakter ni Maine na malapit nang ipakilala at ayon ito sa Daddy’s Gurl director na si Chris Martinez.

Bilang co-producer ng Daddy’s Gurl, may approval ni Vic ang lahat ng mga pagbabago at karagdagang cast para sa ikagaganda ng kanilang programa.

Sabi ni Vic, “Being a co-producer of GMA, I have to be personally involved with situations, with issues, with stories.

“Hindi naman ako yung tipo na pupunta na lang sa set, magsu-shoot na lang after matanggap ko ‘yung script. I have to get involved.

“But most of the dirty work, kay Direk Chris and the staff. Pero siyempre, lahat ng nangyayari, e, dumadaan sa akin.

“Ipinapaalam nila sa akin, they get my approval. Madali naman akong kausap.

“Kapag alam kong makakatulong, oo naman ako nang oo, and I always give them credit for all the work that they’re doing for the show,” pahayag ni Vic tungkol sa mga mangyayari sa mga bagong episode ng kanilang sitcom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on being a co-producer of Daddy's Gurl: "Hindi naman ako yung tipo na pupunta na lang sa set, magsu-shoot na lang after matanggap ko ‘yung script. I have to get involved. But most of the dirty work, kay Direk Chris and the staff. Pero siyempre, lahat ng nangyayari, e, dumadaan sa akin."
PHOTO/S: pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results