Ariella Arida, pinag-audition para sa Valentina role sa Darna ng Kapamilya Channel?

by Jojo Gabinete
Oct 20, 2021
Beauty queen-turned-actress Ariella Arida on possibility that she would play Valentina on Darna: The Series: "Oh my gosh! Kinilig ako. Hahaha! My god, sana nga po, ipagdasal po natin."
PHOTO/S: @araarida / @abscbnpr Instagram

Medyo nagulat ang reaksiyon ni Ariella Arida nang tanungin siya sa virtual media conference ng More Than Blue kung handa ba siyang gumanap na Valentina sa upcoming Darna: The Series ng Kapamilya Channel.

Hindi makapaniwala si Ariella tungkol sa posibilidad na siya ang gumanap na Valentina, isa sa mga importante at challenging role sa mga karakter sa Darna.

"Oh my gosh! Kinilig ako. Hahaha! My god, sana nga po, ipagdasal po natin. Salamat, naisip niyo… Salamat po sa tanong, nagbigay ‘yan ng idea," nakangiting sabi niya.

May balitang ipinatawag si Ariella para sa audition sa Valentina role, pero walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa dating beauty queen.

Si Ariella ang third runner-up sa Miss Universe 2013 at kasama siya sa listahan ng maraming beauty queen na pumasok sa entertainment industry nang matapos ang kanilang reign.

Ang Sarap Mong Patayin ang pangalawang pelikula na ginawa ni Ariella kunsaan tumanggap siya ng mga papuri sa kanyang mahusay na pagganap.

Continue reading below ↓

ARIELLA ON UNEXPECTED ACTING CAREER

Nagpasalamat si Ariella sa lahat ng mga nanood ng Sarap Mong Patayin sa Vivamax bago siya sumagot sa tanong tungkol sa mga beauty queen na kagaya niyang walang ambisyong maging artista pero pumapasok sa showbiz.

Kuwento niya, "Madami na po akong pinagdaanan bago po ako naging komportable with what I’m doing now, and nakita po ‘yan ng mga dati kong katrabaho.

"Siguro dahil once na nanalo ka sa pageant, nae-expose ka in the industry as well.

"Totoo naman po talaga, yung opportunities dumarating kahit hindi mo inaasahan.

"Yung acting, hindi ko po inaasahan."

Pero kahit naman daw ang pagiging beauty queen ay wala raw sa plano niya noon.

"Well, actually, kahit yung pagsali ko sa pageant. Ako kasi, basta may opportunity na dumating, hindi na ako para tumanggi pa diyan.

"Kahit sabihin ko na acting is not for me dahil hindi ko talaga nakita ang sarili ko to act.

Continue reading below ↓

"May ganoong awkwardness, hindi ako confident."

ON PRACTICE AND EXPERIENCE

Natuto na lang daw siya nang sumabak na siya sa pageant at ngayon naman ay sa pag-aartista.

"But one of the lessons na natutunan ko is it takes experience, a lot of practice, and hardwork.

"Super thankful ako and since nandito na, ayokong i-treat na basta-basta lang [ang acting].

"So, I am doing my best na maipakita sa mga tao na I can do this at deserve ko to be here.

"I’m really thankful sa lahat ng mga project na naibibigay sa akin at sa mga co-actor na nakakatrabaho ko dahil sobrang suwerte ko na lahat sila mahuhusay."

Co-stars ni Ariella sa More Than Blue sina Yassi Pressman, JC Santos, at Diego Loyzaga na kanyang tinutukoy na ilan sa mga mahuhusay na artistang nakatrabaho niya.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen-turned-actress Ariella Arida on possibility that she would play Valentina on Darna: The Series: "Oh my gosh! Kinilig ako. Hahaha! My god, sana nga po, ipagdasal po natin."
PHOTO/S: @araarida / @abscbnpr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results