Barbie Forteza, nagamit sa publicity ng show ng boyfriend na si Jak Roberto?

by Jojo Gabinete
Oct 20, 2021
Barbie Forteza on memories that she wants to forget in her relationship with boyfriend Jak Roberto: “Yung times na nagkakatampuhan kami, walang specific na moment. Basta every time nagkakatampuhan kami, kasi sa panahon ngayon, parang sana less tampuhan, kasi halos hindi na nagkikita."
PHOTO/S: @barbaraforteza on Instagram

“Napaka-OA naman nun!”

Ito ang tawang-tawang reaksiyon ni Barbie Fortez sa isyung mataas ang ratings ng Stories From the Heart: Never Say Goodbye dahil gamit na gamit siya sa publicity ng drama series ng GMA-7.

Nag-umpisa ang telecast ng Never Say Goodbye noong Lunes, October 18.

Pinagbibidahan ito ng boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto, at sina Klea Pineda at Lauren Young ang leading ladies ng aktor.

Lumabas na publicity para sa kanilang show na pinagselosan umano ni Barbie sina Klea at Lauren.

Imbes na magalit, iba ang pananaw ni Barbie tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa mga publicity ng Never Say Goodbye dahil nga sa relasyon nila ni Jak.

Saad niya, “Maybe because, siyempre involved ako with Jak, so siguro natatahi lang.

“I think yun lang naman yun, but wala naman plano siguro o ibang intensiyon. Publicity rin naman yun. Okay lang yun.”

Naniniwala si Barbie na mataas ang ratings ng show ng drama series ng kanyang boyfriend dahil maganda ito.

Continue reading below ↓

“Kahit naman ako, super proud ako kasi ang ganda naman ng cinematography, ang glossy.

“Even the direction, the performances, the script, maganda siya, I’m so proud.”

Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Barbie ngayong Miyerkules ng hapon, October 20, sa virtual interview para sa "Birthday Wish," ang episode ng Regal Studio Presents na mapapanood sa darating na Linggo, October 23, 2021.

Dalagang-dalaga na ang hitsura ni Barbie dahil malaki ang kanyang ipinayat kaya lalo siyang gumanda sa aming paningin.

Ang sunud-sunod na trabaho, diet, workout, at hindi na nagpupuyat ang mga sinabi ni Barbie na sikreto ng kanyang pagpayat.

Tungkol sa isang 50-year old woman na muling bumata at bumalik sa edad na 25 para gawin ang mga bagay na hindi niya nagawa ang kuwento ng "Birthday Wish."

Para maiba naman, tinanong namin kay Barbie ang parte ng love story nila ni Jak na hindi na niya gustong balikan o maalaala dahil malungkot.

Continue reading below ↓

“Yung times na nagkakatampuhan kami, walang specific na moment.

"Basta every time nagkakatampuhan kami, kasi sa panahon ngayon, parang sana less tampuhan, kasi halos hindi na nagkikita.

"Yun lang, mga minor tampuhan namin!” sagot ni Barbie, na tawang-tawa dahil sa pakiramdam na tribute sa kanya ang virtual interview para sa guesting niya sa Regal Studio Presents.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza on memories that she wants to forget in her relationship with boyfriend Jak Roberto: “Yung times na nagkakatampuhan kami, walang specific na moment. Basta every time nagkakatampuhan kami, kasi sa panahon ngayon, parang sana less tampuhan, kasi halos hindi na nagkikita."
PHOTO/S: @barbaraforteza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results