Watch Now

(UPDATED) Franki Russell at iba pang Miss Universe UAE candidates, dyosang-dyosa ang dating

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2021
Franki Russell (left) with four other candidates of the first-ever Miss Universe UAE pageant.
PHOTO/S: Facebook

“Kabahan na. Papasok ang mga Dyosa!”

Ito ang reaksiyon ng aktor na si Jerald Napoles nang makita nito ang mga litrato ng Top 30 candidates ng kauna-unahang Miss Universe United Arab Emirates.

May katotohanan ang opinyon ni Jerald dahil walang itulak-kabigin sa mga kandidata ng 1st Miss Universe UAE na napakagaganda ng mga hitsura at mala-santa ang mga mukha kaya may karapatang tawagin bilang mga dyosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasali sa Top 30 candidates ng Miss Universe UAE ang Filipino pride at former Pinoy Big Brother Otso housemate na si Franki Russell.

Half-Filipina at half-New Zealander si Franki, pero residente na siya ng Dubai kaya siya ang kinatawan ng downtown Dubai sa inaugural coronation night na magaganap sa November 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Hindi agad matutukoy na Pilipina ang 27-year-old aspiring beauty queen na mapagkakamalan talagang isang Arab woman dahil sa kanyang kasuotan at physical appearance.

Nabigyan ng pagkakataon si Russell na sumali sa Miss Universe UAE dahil bukas ito para sa lahat ng mga residente, hindi lamang sa mga mamamayan ng UAE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakaiba ang Miss Universe UAE dahil hindi ito magkakaroon ng swimsuit competition bilang paggalang sa relihiyon at kultura kaya fashion couture round ang isa sa mga paglalabanan ng mga kandidata.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Franki Russell (left) with four other candidates of the first-ever Miss Universe UAE pageant.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results