Female complainant, umapela sa piskalya ng hold departure order laban kay Tony Labrusca

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2021
Ayon sa abogado ng female complainant, si Tony Labrusca ay "flight risk" matapos itong hindi dumalo sa pagdinig para sa preliminary investigation sa reklamong alleged lascivious acts na kinahaharap niya. Sa right photo, kasama ni Tony ang jeweler na si Drake Ibay noong panahon bago ang kanilang falling-out. Si Drake ang isa sa mga testigo ng complainant laban sa aktor.
PHOTO/S: PEP File / CTTO

Umapela ang female complainant sa Makati Prosecutor's Office na maglabas ng precautionary hold departure order laban sa aktor na si Tony Labrusca.

Ang legal counsel ng complainant na si Atty. Reginald Tongol ang naghain nito sa piskalya noong October 15, 2021.

Kaugnay ito ng reklamong dalawang bilang ng acts of lasciviousness na kinahaharap ni Labrusca.

Sinasabing nangyari ang insidente noong January 16, 2021 sa tahanan ng businessman at jeweler na si Drake Dustin Ibay, na isa mga testigo ng nagrereklamo.

Natapos noong August 4, 2021 ang preliminary investigation sa alleged lasciviousness incident na hindi sinipot ni Labrusca.

Pero reklamo ng abogado ng complainant, noong August 10, 2021, nag-post ang aktor sa kanyang Instagram story na "I should be packing" para sa biyahe nito sa Amerika.

Naniniwala si Tongol na hindi iginagalang ni Labrusca ang batas dahil sa pagtanggi nitong siputin ang preliminary investigation.

Para kay Tongol, "blatant disregard" sa justice system ng Pilipinas ang ginawa ni Labrusca, na foreign passport ang pinanghahawakan.

Continue reading below ↓

"Respondent Labrusca refusal to attend the August 04, 2021 Preliminary Investigation clearly shows his indication that he does not respect the processes of the Honorable Office, much more of the country," ani Tongol sa mosyon na ipinasa niya sa piskalya.

Ipinakitang ebidensiya ni Tongol ang mga social media post ni Labrusca nang dumalo ito ng party sa Pilipinas noong August 7, at paglipad nito patungong Amerika noong August 10.

Ipinakita rin ni Tongol ang litrato ni Labrusca na may kinitang ilang mga kaibigan abroad.

Kinuwestiyon ni Tongol kung bakit hindi nagawang dumalo ng aktor sa paunang pagsisiyasat sa reklamong kinahaharap nito gayong may panahon umano ito sa mga nasabing okasyon.

Base raw sa hindi pagdalo ni Labrusca sa imbestigasyon, kumbinsido ang abogado ng complainant na malaki ang posibilidad na umiwas umano ang aktor sakaling maglabas ang piskalya ng resolusyon na may "probable cause" para ito'y makasuhan.

"With these facts, it is undeniable that Respondent Tony Labrusca has a high probablity to evade arrest, to be a flight risk, and that he has enough resources to depart the country at his whim."

Continue reading below ↓

Kaya hinihiling nilang maglabas ng hold departure order ang investigating prosecutor ng Regional Trial Court ng Makati City.

"It is not unbeknownst that the instant case has already been submitted for resolution and a case against him would already be forthcoming to be filed with the courts.

"It must be remembered that Respondent is facing a serious crime against one of the country's citizens and he should not be allowed to get away with it with impunity just because of his fame and fortunes."

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa abogado ng female complainant, si Tony Labrusca ay "flight risk" matapos itong hindi dumalo sa pagdinig para sa preliminary investigation sa reklamong alleged lascivious acts na kinahaharap niya. Sa right photo, kasama ni Tony ang jeweler na si Drake Ibay noong panahon bago ang kanilang falling-out. Si Drake ang isa sa mga testigo ng complainant laban sa aktor.
PHOTO/S: PEP File / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results