Jerald Napoles at Kim Molina, nakalipat na sa naipundar na bahay ng aktor

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2021
"Ito po ay pinag-ipunan ni Jerald kaya po mabait na po ako sa kanya, baka po ako’y mapalayas," pabirong hirit ni Kim Molina tungkol sa bagong bahay nila ng partner na si Jerald Napoles.
PHOTO/S: @iamjnapoles Instagram

Iniwanan na nina Jerald Napoles at Kim Molina ang bahay na inuupahan nila sa Quezon City dahil natapos na ang sariling tahanan na naipundar ng 38-year-old actor.

Ayon kay Kim, tumataas na ang renta sa bahay na dating inuupahan nila ni Jerald at ito ang simpleng dahilan ng kanilang paglipat.

"Yung isang bahay namin, kami po ay umuupa lang. Ito po kasing tinitirhan namin ngayon ay kay Jerald na talaga siya.

"Ito po ay pinag-ipunan ni Jerald kaya po mabait na po ako sa kanya, baka po ako’y mapalayas," pabirong hirit ni Kim.

Sinumpong ng hika si Kim habang naglilipat sila ni Jerald kaya dinala siya sa emergency room ng isang ospital.

Hindi rin naging madali para kay Jerald ang lumipat ng bahay sa panahon ng coronavirus pandemic dahil sa maraming pagbabago na nangyari sa kanyang mga plano.

Sa Haba ng Gabi ang pamagat ng bagong pelikula nina Jerald, Kim, at Candy Pangilinan.

Continue reading below ↓

Kaya naikumpara ni Jerald sa titulo ng kanilang proyekto ang mga karanasan niya sa mahabang proseso ng pagbili ng sariling bahay at paglilipat.

"Ang hirap," pakli niya.

"Totoo yung ang haba ng gabi na hindi ako natutulog kasi ang hirap maglipat [sa panahon] ng pandemic.

"Hindi sure yung turnover ng bahay. Supposedly, na-turnover na ito noong 2020 pero nabinbin nang nabinbin.

"May kinausap ako na mga contractor, interior designer.

"Nabinbin nang nabinbin hanggang yung budget mo, lumiliit nang lumiliit."

Pinag-isipan daw niyang maigi kung paano iba-budget ang kanyang gastos hanggang sa mapasakamay na niya ang bahay.

"Dahil pandemic, napaisip ako, 'Kailangan ko ba talaga nang ganoon—interior design—kailangan ko ba talaga?'

"Lumiliit ang budget, nagbabago ang desisyon ng mga tao, pati yung mismong developer, nagbabago na rin.

"It’s very tiring, pero nung mga unang gabi na natulog ka sa sarili mong lugar, worth it naman.

Masaya si Jerald dahil natupad ang kanyang pangarap na makapagpundar ng sariling tahanan.

Continue reading below ↓

Hindi pa ipinapasilip ng couple ang bago nilang bahay sa ngayon. Pero malamang ay ipapakita nila ito sa kanilang YouTube vlog sa takdang panahon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ito po ay pinag-ipunan ni Jerald kaya po mabait na po ako sa kanya, baka po ako’y mapalayas," pabirong hirit ni Kim Molina tungkol sa bagong bahay nila ng partner na si Jerald Napoles.
PHOTO/S: @iamjnapoles Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results