Cindy Miranda, hanga sa katatagan ni Kylie Padilla; nagulat sa relasyong Aljur-AJ

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2021
Cindy Miranda (left) on Kylie Padilla: "If ever magkasalubong man kami ni Kylie, I really wanna meet Kylie kasi naano ako sa kanya, sobrang strong niyang tao. Yun ang pakiramdam ko sa kanya and I hope she’s okay right now. Sana nga magkatrabaho kami ni Kylie."
PHOTO/S: Instagram

Naranasan ni Cindy Miranda na maging biktima ng mga batikos sa social media dahil isa siya sa mga napagbintangan na ugat ng paghihiwalay nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Si Aljur ang leading man ni Cindy sa sexy drama movie na Nerisa.

Napawalang-sala si Cindy nang aminin ng kanyang Nerisa co-star na si AJ Raval ang pakikipagmabutihan nito kay Aljur.

Ang pagkakaabsuwelto ni Cindy sa kontrobersiyal at pinag-uusapang hiwalayan nina Kylie at Aljur ang itinanong kay Cindy nang humarap siya sa virtual media conference ng My Husband, My Lover ngayong Lunes ng hapon, October 25.

Sinabi ni Cindy na masaya siyang natupad ang kanyang pangarap maging artista pero may mga negative side ito, tulad ng pagkakadawit ng pangalan niya sa Kylie-Aljur breakup.

Pahayag niya, “Pag-usapan natin yung sa negative side, madami na siguro akong na-experience.

"Siyempre, yun nga, naisyu ako, napagbintangan akong kabit, third party, kasi nakatrabaho ko si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko talagang maapektuhan ng mga ganoon kasi alam mo naman yung totoo sa sarili mo.

"But, at some point, maaapektuhan ka, even your family, masasaktan talaga lalo na grabe, grabe yung isyu."

Tanggap ni Cindy na naging biktima siya ng mga maling akala.

“I think alam naman ng lahat na naging biktima talaga ako sa isyu na ‘yan.

"But I really don’t mind kasi part na ‘yan ng pag-aartista. Talagang ganoon, namamali talaga ang mga tao.

"And yun ang negative side ng pag-aartista na pinagbibintangan ka nila sa mga bagay na hindi naman talaga nila alam yung totoong istorya.

“Sa akin, wala talaga. Siguro, naapektuhan ako because yung family ko, sobrang grabe, ang dami nilang nababasa sa social media.

"Pero ako sa sarili ko, alam ko naman yung totoo."

CINDY WANTS TO WORK WITH KYLIE

Hindi personal na kilala ni Cindy si Kylie, pero kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto niyang makatrabaho ang estranged wife ni Aljur, na kanya raw hinahangaan dahil sa ipinamamalas nitong katatagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Cindy, “If ever magkasalubong man kami ni Kylie, I really wanna meet Kylie kasi naano ako sa kanya, sobrang strong niyang tao.

“Yun ang pakiramdam ko sa kanya and I hope she’s okay right now. Sana nga magkatrabaho kami ni Kylie.

"Pero I don’t think merong something sa aming dalawa kasi wala talaga.

“Ako, natutuwa ako na nakatrabaho ko si Aljur for the first time sa Nerisa. Kung anuman sana yung problema between her and Aljur, sana maayos na.

“Lahat naman ng bagay, naaayos, and I can’t wait to meet her, kung mapanood man niya ito.

"Looking forward ako to meet her and work with her in the future."

Nagkaroon ba siya ng idea na nagkakamabutihan sina AJ at Aljur sa shooting nila ng Nerisa sa Alabat, Quezon?

Sagot ni Cindy, “Actually, nung time po ng Nerisa, wala po ako sa sarili. Naka-isolate po ako.

“I will be honest, hindi ko po talaga alam. Wala po akong moments with them, with my co-actors during that time, kasi sobrang bigat ni Nerisa [her role].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala po akong narinig na ganyan. Nagulat din po ako."

Patuloy niya, "Sana yung isyu, nakikita ko naman po sa social media, friends ko naman si AJ at saka si Aljur, I hope maayos kung anuman yung gulo. And alam ko naman na maaayos ‘yan.

“I’m hoping na maging okay po lahat kasi kaibigan ko sila.

"Alam ko na nahihirapan sila sa sitwasyon. Ang dami kasing namba-bash, nababasa ko, so sana maging okay silang tatlo."

Kasama ni Cindy sa My Husband, My Lover sina Kylie Verzosa at Marco Gumabao.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cindy Miranda (left) on Kylie Padilla: "If ever magkasalubong man kami ni Kylie, I really wanna meet Kylie kasi naano ako sa kanya, sobrang strong niyang tao. Yun ang pakiramdam ko sa kanya and I hope she’s okay right now. Sana nga magkatrabaho kami ni Kylie."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results