Kylie Verzosa, nagbigay ng update sa kinasangkutang insidente ng boyfriend na si Jake Cuenca

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2021
Kylie Verzosa on incident involving boyfriend Jake Cuenca: “Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari. Hindi ako nakatulog. Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried and it took time for me to know the real story, pero I just really feel bad for all parties involved.”
PHOTO/S: Instagram

Nanggaling sa girlfriend ni Jake Cuenca na si Kylie Verzosa ang impormasyong naayos na ang problema sa pagitan ng kanyang boyfriend at ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng insidenteng nangyari sa Mandaluyong City noong October 9, 2021.

Traumatic para kay Jake ang paghabol sa kanya ng mga pulis at pamamaril sa gulong ng sasakyan niya dahil hindi siya tumigil sa pagmamaneho nang pumara ang mga awtoridad na hindi nakasuot ng uniporme.

Nagkaroon ng habulan na nag-umpisa sa Shaw Bouelvard sa Mandaluyong City at natapos sa Barangay Kapitolyo, Pasig City.

Inaresto si Jake nang hindi ito huminto. Natakot umano ang aktor nang parahin ang kanyang sasakyan habang may nagaganap na buy-bust operation sa lugar na pinagmulan niya.

Nadamay sa pagtugis kay Jake ng mga pulis ang Grab delivery guy na tinamaan ng ligaw na bala nang paputukan ang sasakyan ng aktor.

Kinondena ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang mga nangyari kaya ipinangako niyang mananagot si Jake sa batas.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Kylie, naayos na ang gusot sa pagitan ng magkabilang-panig.

“Sana maayos nila, and naayos naman na po. I think yung official announcement will be sometime next week, okay na po,” rebelasyon ni Kylie.

May shooting si Kylie ng bagong pelikula niya sa Mindoro nang maganap ang insidente, pero isa siya sa mga unang tinawagan ni Jake sa cellphone.

“Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari. Hindi ako nakatulog.

"Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried and it took time for me to know the real story.

"Pero I just really feel bad for all parties involved,” sabi ni Kylie nang magkuwento siya sa virtual media conference ng My Husband, My Lover ngayong Lunes ng hapon, October 25.

Continue reading below ↓

Natutuwa si Kylie dahil bukod sa unti-unti nang nalalampasan ni Jake ang karanasang hindi nito basta malilimutan, balik-trabaho na ang kanyang karelasyon.

Sabi ng beauty queen-actress, “Jake is getting better. He's recovering.

"I’m happy na nagte-tape siya ngayon. May show siya sa ABS-CBN.

“Very unfortunate event lang siya for all parties. All parties are healing with the situation.

“Sobrang out of myself ako noon. Magkausap kami noon and happy ako na sinasagot pa rin niya yung phone, na very responsive siya sa akin every time I would call.

“Tumatawag ako every hour to check up on him. I just fully support him and I know, he’ll get through this.”

LOVE SCENES WITH MARCO

Si Marco Gumabao ang kapareha ni Kylie sa My Husband, My Lover.

Matitindi ang kanilang mga love scene sa pelikula na mapapanood sa streaming site na Vivamax simula sa November 26.

Continue reading below ↓

Magkaibigan sina Jake at Marco, na gumanap noong magkapatid sa ABS-CBN afternoon drama series na Los Bastardos.

Ano ang reaksiyon ng kanyang boyfriend tungkol sa mga naglalagablab na love scenes nila ng kanyang leading man?

Ayon kay Kylie, “I’m very grateful to have a supportive boyfriend especially sa industry na 'to, very rare.

“And I really feel lucky and blessed to have him support me in projects like this.

“Human pa rin tayo, nakakaramdam pa rin tayo ng ganoon [selos], but he’s a very professional actor and he wishes me the best for my career.

“Naiintindihan niya kung ano yung kailangan kong gawin. Kung ano yung gusto kong gawin sa career ko, and this is only one of the things na I wanted to do.

“Napakaganda po ng material, magaling po yung cast, magaling yung director, so grinab ko yung opportunity na ‘to.

"I feel so lucky and blessed to have him by my side,” lahad ni Kylie.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa on incident involving boyfriend Jake Cuenca: “Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari. Hindi ako nakatulog. Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried and it took time for me to know the real story, pero I just really feel bad for all parties involved.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results