Marco Gumabao, humingi ng permiso kay Jake Cuenca para sa love scene nila ni Kylie Verzosa

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2021
Marco Gumabao says his love scene with Kylie Verzosa in My Husband, My Lover was "done in good taste." The hunky actor agreed to go nude in their love scene where they were both standing.
PHOTO/S: Instagram

“Done in good taste” ang pagsasalarawan ni Marco Gumabao sa mga love scene nila ni Kylie Verzosa sa My Husband, My Lover.

Pero siguradong ikagugulat pa rin ng manonood ang kanilang mga eksena dahil tiyak na magmamarka at pag-uusapan ang pagpayag ni Marco na hubo’t hubad siya habang nakatayo silang nagtatalik ng former Miss International.

Tiniyak ni Marco na walang dapat ikagalit ang boyfriend ni Kylie na si Jake Cuenca sa kanilang mapupusok na eksena sa My Husband, My Lover dahil hiningi niya ang permiso ng kanyang kaibigan.

Kuwento ni Marco, “When I read the script, nagandahan po talaga ako kaagad. Pero at the same time, kinabahan ako kasi very big ang requirements for the character at sa mga eksenang gagawin namin.

“Nagpaalam ako kay Jake.

"As you all know, kapatid ko si Jake sa Los Bastardos. And even after Los Bastardos, kapatid ko pa rin siya off cam.

“Minsan lumalabas kami ni Jake with Kylie, ako yung laging third wheel nila.

Continue reading below ↓

“I had to ask him for his blessing kasi kahit sabihin nating trabaho lang ‘to, as a gentleman and as a brother to him, tinext ko siya.

"And sabi niya, ‘Bro, you have my blessing. Galingan niyo.’

“Sobrang laking tulong sa akin nun, kasi siyempre, sa mga eksena namin, talagang maiinit.

"I needed that go signal from Jake para matodo namin yung mga eksena."

MARCO gumabao ON IVANA ALAWI

Sinagot din ni Marco ang kumalat sa social media na lumang video nila ni Ivana Alawi sa isang KTV bar kaya marami ang naghinalang may inililihim silang relasyon.

Paglilinaw ni Marco, “Basically, we’ve been friends for more than a year. Magkakabarkada po talaga kami and, at the same time, we really are close.

"But we’re just friends so I know marami ang naiintriga sa video, but magkakaibigan lang po talaga kami."

Nanindigan si Marco na wala siyang karelasyon sa kasalukuyan kaya dapat na siyang tantanan ng mga nakikisawsaw at ipinipilit na nagkakamabutihan sila ni Ivana.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao says his love scene with Kylie Verzosa in My Husband, My Lover was "done in good taste." The hunky actor agreed to go nude in their love scene where they were both standing.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results