Watch Now

Nadine Lustre, kasado na ang Viva movie kasama si Diego Loyzaga

by Jojo Gabinete
Oct 27, 2021
Co-stars sina Nadine Lustre at Diego Loyzaga sa pelikulang Greed na ididirek ni Yam Laranas. Makakasama rin nila ang talented character actor na si Epy Quizon.
PHOTO/S: Instagram

Ang Instagram post ng direktor na si Yam Laranas tungkol sa script reading nila ni Nadine Lustre ang kumpirmasyon ng muling paggawa ng 27-year-old actress ng pelikula sa Viva Films.

Magdiriwang si Nadine ng 28th birthday sa October 1 at welcome news para sa kanyang fans ang announcement ni Direk Yam tungkol sa proyekto na pagsasamahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Greed ang working title ng pelikulang gagawin ni Nadine sa Viva Films, at co-stars niya sina Epy Quizon at Diego Loyzaga.

Huling nakatrabaho ni Diego si Direk Yam sa pelikulang Death of A Girlfriend nitong April 2021.

Sisimulan sa November 2021 ang lock-in shooting ni Nadine para sa Greed.

Hindi puwedeng sabihing comeback movie niya ito sa Viva.

Hindi naman siya umalis sa Viva, kahit sinubukan niya noong January 2020 na mapawalang–bisa ang exclusive contract na may bisa hanggang sa June 2029.

Ang huling pelikula ni Nadine sa Viva ay ang Indak noong 2019. Ang huling TV show naman niya sa ABS-CBN ay ang reality talent show na Your Moment, na umere mula November 2019 hanggang February 2020.

(Editor's Note: Sa huling mensahe sa PEP Troika ng abogado ni Nadine, na si Atty. Lorna Kapunan, sinabi nitong hiwalay ang movie contract ni Nadine sa talent management contract na nais alisan ng aktres.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Co-stars sina Nadine Lustre at Diego Loyzaga sa pelikulang Greed na ididirek ni Yam Laranas. Makakasama rin nila ang talented character actor na si Epy Quizon.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results