Mark Anthony Fernandez, hindi pabor magkaroon ng gay Philippine president

by Jojo Gabinete
Oct 29, 2021
Mark Anthony Fernandez on gays: "Wala naman akong masamang notion sa kanila, pero minsan, nagkatampuhan kami noong ako ang pinagkamalan na ganoon. Pero nang malinaw ko po yun, umokey naman. Nawala yung tampo."
PHOTO/S: Courtesy of Mark Anthony Fernandez

Magmula nang maghain ng certificate of candidacy ang mga kakandidato para sa eleksyon sa May 2022, naging mainit itong usapan sa ating bansa dahil sa iba’t ibang karakter ng mga nagnanais “magsilbi” sa bayan.

Sa Pilipinas, siyam ang presidential candidates—walo ang lalake (Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, former Senator Bongbong Marcos, Senator Bato dela Rose, Mayor Isko Moreno, former presidential spokesperson Ernesto Abella, former National Defense Secretary Norberto Gonzales, at labor leader Leody de Guzman) at nag-iisa ang babae (Vice President Leni Robredo).

Walang miyembro ng LGBTQ community ang naghain ng kandidatura para sa pagkapangulo.

Pero kung si Mark Anthony Fernandez ang tatanungin, hindi siya pabor na magkaroon ng baklang presidente ang ating bansa.

“Hindi ako papayag,” may finality na pahayag ni Mark.

“[Kung] Mayor, puwede. Vice mayor, puwede.

"Pero to lead the army, the police, ako hindi [papayag] bilang botante.

"Mayor, puwede katulad ni Teri Onor," pagtukoy niya sa gay comedian na former vice mayor ng Abucay, Bataan at muling kakandidato para sa nasabing posisyon sa May 9, 2022 elections.

Continue reading below ↓

"Love na love ko ‘yan, pero kung tatakbo siyang presidente, pang-mayor ka lang."

Gaya ng kanyang Barumbadings co-star na si Jeric Raval, nilinaw ni Mark na wala siyang galit sa mga bakla dahil marami ang mga kaibigan niyang mula sa LGBTQ community. Minsan na rin siya na napagkamalan noon na bading.

Pahayag ng aktor, “Wala naman akong masamang notion sa kanila, pero minsan, nagkatampuhan kami noong ako ang pinagkamalan na ganoon.

“Pero nang malinaw ko po yun, umokey naman. Nawala yung tampo.

“I think as actors, yung [gay] comedians natin, they’re good actors, firecrackers, ice breakers.”

Siguradong-sigurado si Mark sa sexual orientation niya kaya hindi naging problema na gumanap siyang transgender woman sa Barumbadings at magsuot ng Wonder Woman T-shirt sa larawang ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Incidentally, ibinalita ni Mark na may posibilidad na isali sa Metro Manila Film Festival sa December 2021 ang Deception, ang reunion movie nila ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto.

Continue reading below ↓

Ganadong-ganado si Mark sa paggawa ng mga pelikula ngayong 2021.

Minana niya ang ugali ng kanyang yumaong amang si Rudy Fernandez na inaalam ang resulta sa takilya sa unang araw ng pagpapalabas sa mga sinehan ng kanyang mga pinagbibidahan noong proyekto.

Sa tuwing may mga pelikula si Mark na ipinalalabas sa Vivamax, itinatanong niya agad ang resulta sa unang araw ng streaming. Tuwang-tuwa siya kapag positibo ang sagot na kanyang natatanggap.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez on gays: "Wala naman akong masamang notion sa kanila, pero minsan, nagkatampuhan kami noong ako ang pinagkamalan na ganoon. Pero nang malinaw ko po yun, umokey naman. Nawala yung tampo."
PHOTO/S: Courtesy of Mark Anthony Fernandez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results