Watch Now

Joyce Ching, nanghihinayang na hindi makapagbiyahe abroad kasama ang mister

by Jojo Gabinete
Oct 29, 2021
Joyce Ching on spending time with husband Kevin Alimon during quarantine: "Pero ang saya na nasa bahay lang kami. Parang na-force kami to get to know each other on a deeper level, especially now na almost 24/7, na kung sino yung kasama mo sa bahay, kasama mo talaga siya literal almost 24/7."
PHOTO/S: @chingjoyce on Instagram

Ikinasal si Joyce Ching at ang kanyang mister na si Kevin Alimon noong December 8, 2019.

Pero tatlong buwan bago matapos ang kanilang pag-iisang dibdib sa Baguio City, mahigpit na ipinatupad sa National Capital Region ang enforced quarantine o lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Ito ang dahilan kaya hindi natuloy ang plano nilang pumunta sa ibang bansa.

Bagamat masaya ang kanyang married life, nanghihinayang ang Kapuso actress dahil hindi pa natutupad ang planong international trip na magkasama sila ng asawa niya.

“Masaya po, ang saya ng married life. Of course, marami ang restrictions na sana nakapag-enjoy kami mag-travel.

“Kami ng husband ko, never kaming nag-travel together na kaming dalawa lang noong boyfriend-girlfriend pa kami. Never kami nagsama, never kaming nag-sleepover.

“Isa talaga yun sa mga bagay na nilu-look forward namin na parang, when we’re married, puwede kaming mag-travel, puwede tayong mag-overnight. Medyo nakaka-sad sa part na yun.

"Pero ang saya na nasa bahay lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang na-force kami to get to know each other on a deeper level, especially now na almost 24/7, na kung sino yung kasama mo sa bahay, kasama mo talaga siya literal almost 24/7.

"Fun getting to know stage kami ngayon," walang prenong kuwento ni Joyce sa Cabinet Files tungkol sa estado ng pamumuhay nila ng kanyang asawa sa panahon ng pandemya.

JOYCE ON BULLYING

Si Joyce ang featured performer sa "The Truth About Jane," ang Halloween presentation ng Regal Studio Presents ng GMA-7 sa Linggo, October 31.

Tungkol sa bullying ang kuwento ng "The Truth About Jane" na tinatampukan din nina Kiray Celis, Anna Vicente, at Ashley Ortega.

Sa tunay na buhay, hindi pa nararanasan ni Joyce maging biktima ng bullying dahil siya ang bully noong kabataan niya.

Pag-amin niya, “Ako yung bully. Sobrang bully ko noong Grade 2, Grade 3, Grade 4, as in my time talaga na pumunta sa school ang parent ng binu-bully ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hinanap niya ako, sabi niya, ‘Sino sa inyo si Joyce? Bakit mo inaaway ang anak ko?’ kasi sobra pala siyang naapektuhan.”

Nag-iwan ng mensahe si Joyce para sa lahat na hindi dapat tularan ang kanyang mga pagkakamali noon.

“So, guys, don’t copy me. Saka nagbagong-buhay na po ako.

“Huwag po tayong mambu-bully ng mga tao dahil hindi yun maganda at walang maidadagdag na magandang karakter sa pagkatao natin, so huwag po nating gagawin.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joyce Ching on spending time with husband Kevin Alimon during quarantine: "Pero ang saya na nasa bahay lang kami. Parang na-force kami to get to know each other on a deeper level, especially now na almost 24/7, na kung sino yung kasama mo sa bahay, kasama mo talaga siya literal almost 24/7."
PHOTO/S: @chingjoyce on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results