Mark Anthony Fernandez inalala ang pagtira sa musoleo ng amang si Rudy Fernandez

by Jojo Gabinete
Oct 31, 2021
Back in 2015, Mark Anthony Fernandez was looking for a "sanctuary na solemn," and picked the mausoleum of his late dad, action superstar Rudy Fernandez.
PHOTO/S: Mark Anthony Fernandez on Facebook

Sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, hindi nawawalan ang ilang artista ng mga kuwentong kababalaghan at personal na karanasan nila tungkol sa multo.

May mga kapani-paniwala, pero may mga kuwentong kutsero o gawa-gawa lamang ng kanilang mga malikhaing pag-iisip.

Si Mark Anthony Fernandez ang isa sa mga artistang may kuwento na akma sa Halloween.

Hindi ito nakakatakot, pero tunay na nangyari ito nang manirahan siya sa musoleo na kinalalagakan ng mga labi ng kanyang ama, ang action superstar na si Rudy Fernandez na pumanaw noong June 7, 2008.

Naranasan ni Mark na maglagi at matulog sa Heritage Park sa Taguig City, nang makaranas siya noon ng depression at ipinagbili niya ang kanyang condominium unit sa San Juan City.

"Tumira ako nang three days sa libingan ng Papa ko noong 2015. Hindi ko lang kinaya sa tuwing gumagamit ako ng comfort room. Medyo hindi ako komportable. Pero other than that, yung pagtulog ko, okay naman.

Continue reading below ↓

"Walang haunted o hindi ako natakot nang matulog ako doon. Inisip ko, bakit ako matatakot, e, close kami ng Papa ko? Pero noong sumakabilang-buhay siya, narinig ko ang boses niya sa left ear ko.

"Ang learning ko sa pagtira ko sa libingan niya, siyempre mas maganda ang buhay kung nandiyan o buhay pa ang Papa ko,” ang kuwento ni Mark na wala nang balak na ulitin ang kanyang ginawang paninirahan noon sa memorial park.

"Hindi ko na gagawin iyon dahil nung time na iyon, naghahanap ako ng sanctuary na solemn para sa akin, at tingin ko, nahanap ko na yung spot ko sa earth. Meron na akong spot dito sa earth,” ang sabi ni Mark sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files.

Alam ng mga bumibisita sa puntod ng ama ni Mark na puwedeng manirahan dito dahil sa disenyo ng musoleo na may sariling comfort room at pahingahan.

Hindi si Mark ang unang artista na umaming nasubukan nang manirahan sa libingan ng mga yumao,

Continue reading below ↓

Ang Manila North Cemetery ang matagal na tahanan ng comedian na si Moody Diaz, na nakilala sa kanyang Aling Otik role sa Tisoy, ang 1977 movie nina Christopher de Leon at Nora Aunor.

Namatay noong 1995 si Moody pero noong nabubuhay pa ito, madalas na siya ang iniinterbyu tungkol sa paninirahan niya sa loob ng sementeryo sa tuwing sumasapit ang November 1, ang araw ng paggunita sa mga namayapa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Back in 2015, Mark Anthony Fernandez was looking for a "sanctuary na solemn," and picked the mausoleum of his late dad, action superstar Rudy Fernandez.
PHOTO/S: Mark Anthony Fernandez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results