Watch Now

Ai-Ai delas Alas, namangha sa electronic billboard ng Pinoy fans bilang suporta kay Kim Seon Ho

by Jojo Gabinete
Nov 1, 2021
Inihinto ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang minamaneho niyang sasakyan sa EDSA para kunan ang electronic billboard display na nagpapakita ng suporta ng Pinoy fans para sa Korean actor na si Kim Seon Ho. "Talagang gumastos pa sila para ipakita ang pagmamahal nila kay Kim Seon Ho. Nakakaloka, di ba?" sabi ni Ai-Ai.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram / Ai-Ai delas Alas

Hindi napigilan ni Ai-Ai delas Alas na ihinto ang kanyang minamanehong sasakyan kahapon, October 31, para kunan lang ng litrato ang electronic display board ng controversial Korean actor na si Kim Seon Ho.

Makikita sa electronic display board ang mga larawan ng aktor at may nakasulat na “We Love You Kim Seon-ho! From your fans in the Philippines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang electronic display board ng Hometown Cha Cha Cha actor na ginastusan ng Filipino fans ang pagpapakita nila ng suporta sa Korean star na nawalan ng mga programa, proyekto, endorsements, at dumanas ng mga batikos dahil sa pag-aming pinilit niya na ang kanyang ex-girlfriend na ipalaglag ang sanggol na bunga ng kanilang relasyon.

Humingi si Kim Seon Ho ng tawad mula sa dating kasintahan at sa publiko, pero malaki ang naging epekto sa career niya ng kanyang pagpapakatotoo.

Sa kabila ng kanyang pagkakamali, tumanggap si Kim Seon Ho ng pang-unawa at suporta mula sa mga tagahanga niya, kabilang ang Pinoy fans.

Si Kim Seon Ho ang isa sa iilang Korean celebrities na posibleng makaalpas sa ruhtless na "cancel culture" sa South Korea dahil sa mga nagsisilabasang report na hindi ganun kainosente ang kanyang ex-girlfriend, na naglabas ng mga alegasyon laban sa sikat na aktor.

Ikinatuwa at ikinamangha ni Ai-Ai ang pagpapakita ng suporta ng fans kay Kim Seon Ho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng Comedy Queen sa Cabinet Files, "Masaya ako para kay Kim Seon Ho dahil sa suporta sa kanya ng Filipino fans and supporters niya.

"Talagang gumastos pa sila para ipakita ang pagmamahal nila kay Kim Seon Ho. Nakakaloka, di ba?"

Pero ikinalungkot din daw ito ni Ai-Ai dahil wala siyang maalalang Pinoy celebrity na nakatanggap ng ganung klaseng suporta mula sa mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At the same time, nalungkot ako dahil wala akong natatandaang artista na Pilipino na nakatikim ng ganyang suporta mula sa kanilang fans kapag may pinagdaraanan silang matindi.

“Wala akong natatandaan na kapag may pinagdaanan ang isa sa amin, may nagpagawa ng billboard para sabihing mahal nila kami.

“Ako nga, katakot-takot na bashing ang inabot ko mula sa fans ni Lee Min Ho dahil nag-post lang ako na hindi ko nagustuhan ang show niya.

"Sinabihan ako ng 'bobo, tanga,' at minura pa ako, ha ha ha!"

Ang tinutukoy ni Ai-Ai na show ni Lee Min Ho ay ang K-drama na The King: Eternal Monarch.

“Di ba, love yourself? Magpagawa na lang din kaya ako ng sariling billboard na may nakasulat na ‘I love you, Ai-Ai’ from me?’

“Uunahan ko na sila, hindi ako magugulat kung i-bash uli ako dahil pati ang electronic display board na suporta nila para kay Kim Seon Ho, napansin at pinatulan ko,” natatawa pero confused na pahayag ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang ang Pinoy fans ni Kim Seon Ho ang nagpakita sa kanya ng suporta sa pamamagitan ng electronic display board sa EDSA dahil ganito rin ang makikita sa isang mall sa Seoul, South Korea.

“Kim Seon Ho is the reason for our happiness. We support Kim Seon Ho, who is always in our hearts,” ang mababasa sa electronic billboard na ginastusan naman ng Chinese fans, na higit na nangibabaw ang pagmamahal kesa magpaapekto sa eskandalong kinasasangkutan ng kanilang hinahangaan at sinasambang Korean actor.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inihinto ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang minamaneho niyang sasakyan sa EDSA para kunan ang electronic billboard display na nagpapakita ng suporta ng Pinoy fans para sa Korean actor na si Kim Seon Ho. "Talagang gumastos pa sila para ipakita ang pagmamahal nila kay Kim Seon Ho. Nakakaloka, di ba?" sabi ni Ai-Ai.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram / Ai-Ai delas Alas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results