Si Beatrice Luigi Gomez kaya ang magiging ika-limang Pinay Miss Universe?

by Jojo Gabinete
Nov 3, 2021
Ayon sa presidente ng University of San Jose-Recoletos, suwerte ang number 5 kay Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez. Alamin kung bakit...
PHOTO/S: University of San Jose-Recoletos Facebook

Si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez kaya ang magiging ika-limang Pilipina na magsusuot ng Miss Universe crown sa coronation ng 70th Miss Universe?

Kung si University of San Jose-Recoletos President Reverend Fr. Cristopher Maspara ang tatanungin, malaki ang tsansa ni Bea na manalo sa 70th Miss Universe dahil sa kanyang obserbasyong suwerte ang Number 5 sa Cebuana beauty queen.

Nangyari ang homecoming ni Bea sa Cebu kahapon, November 2.

Ngayong Miyerkules, November 3, dumalaw ang beauty queen sa alma mater niya, ang University of San Jose-Recoletos, na nagbigay ng financial grant na P30,000 bilang suporta sa kanyang nalalapit na pagsali sa 70th Miss Universe.

Sa talumpati ni Fr. Christopher, pinasalamatan nito si Bea dahil sa karangalag inihatid ng dalaga sa kanilang unibersidad.

Sinabi rin ni Fr. Christopher ang napuna nito na masuwerte sa 26-year-old beauty queen ang Number 5.

“Before I end, I would just like to share what I’ve noticed as regards your journey to becoming Miss Universe Philippines 2021.

Continue reading below ↓

"Bea, you seem to be lucky for one particular number. You were candidate No. 15 when you were crowned Miss CESAFI [Cebu Schools Athletic Foundation Inc].

“In 2015, you joined the Miss Mandaue pageant, your first major pageant where you placed 2nd runner-up.

“In 2020, you bagged the Binibining Cebu title.

"During the Miss Universe Philippines pageant proper, you were the last to be called among the ten finalists. You picked question No. 5.

"All these numbers are divisible by 5, right?

“You are lucky with the number 5. I believe you are capable of becoming the fifth Filipina to bring home the Miss Universe crown,” pahayag ni Fr. Christopher.

Napaiyak si Bea nang marinig nito ang mga binitawang salita ng presidente ng unibersidad na kanyang pinagmulan.

Kung magdidilang-anghel si Fr. Christopher, si Bea ang ika-limang Pilipina na mag-uuwi ng Miss Universe crown na napanalunan nina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015 ), at Catriona Gray (2018).

Continue reading below ↓

Gaganapin ang Miss Universe 2021 sa December 12, 2021 sa Eilat, Israel

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa presidente ng University of San Jose-Recoletos, suwerte ang number 5 kay Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez. Alamin kung bakit...
PHOTO/S: University of San Jose-Recoletos Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results