John Lloyd Cruz at Sharon Cuneta, parehong may grand welcome sa November 9

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2021
john lloyd & sharon grand welcome
Parehong big day para sa mga Kapuso at Kapamilya ang November 9, Martes, dahil sa araw na ito magaganap ang mainit na pagsalubong ng GMA-7 at Kapamilya Channel sa dalawa sa pinakamalaking bituin sa Philippine showbiz: si John Lloyd Cruz ay ipakikilala bilang baging Kapuso habang iaanunsiyo naman ang pagpasok ni Sharon sa FPJ's Ang Probinnsyano ng ABS-CBN.
PHOTO/S: @crownartistmgmt / @reallysharoncuneta on Instagram

Magaganap sa November 9, Martes, ang magkasabay at mainit na pagsalubong sa dalawa sa pinakamalalaking artista sa Pilipinas—sina John Lloyd Cruz at Sharon Cuneta.

Opisyal na ipakikilala si John Lloyd bilang bagong Kapuso at nakatakda siyang magkaroon ng sariling sitcom sa GMA-7.

Si John Lloyd ang aktor na pinahuhulaan sa teaser ad na inilabas ng GMA-7 na may caption na “He’s Happy To Be Back!”

Kung may John Lloyd ang Kapuso Network, may Sharon Cuneta na sasalubungin ang Kapamilya Channel dahil siya ang karagdagan sa humahabang listahan ng mga beteranong artista na mapapanood sa FPJ's Ang Probinsyano.

May taping ang ASAP Natin ‘To sa Martes, November 9, at special guests ang cast ng Ang Probinsyano. Bibigyan nila ng grand welcome si Sharon sa longest-running action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ang guesting sa Ang Probinsyano ang unang TV series ni Sharon sa Kapamilya Channel.

Pero nagbida na siya noon sa Madam Chairman, ang comedy-drama series ng TV5 na napanood mula October 13, 2013 hanggang February 28, 2014.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong big day para sa mga Kapuso at Kapamilya ang November 9, Martes, dahil sa araw na ito magaganap ang mainit na pagsalubong ng GMA-7 at Kapamilya Channel sa dalawa sa pinakamalaking bituin sa Philippine showbiz: si John Lloyd Cruz ay ipakikilala bilang baging Kapuso habang iaanunsiyo naman ang pagpasok ni Sharon sa FPJ's Ang Probinnsyano ng ABS-CBN.
PHOTO/S: @crownartistmgmt / @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results