Watch Now

Nadine Lustre-Diego Loyzaga movie, nagsimula na ang lock-in taping

Nov 7, 2021
nadine & diego greed
Nadine Lustre and Diego Loyzaga have started shooting for their upcoming movie Greed. This is Nadine first movie after her legal dispute with mother studio Viva Artists Agency.
PHOTO/S: @yamlaranas on Instagram

Nagsimula na ang lock-in shooting ng Greed, ang pelikulang pinagbibidahan nina Nadine Lustre, Diego Loyzaga, at Epy Quizon.

Ang Greed ang unang pelikula ni Nadine matapos na makipagsundo sa Viva Artists Agency (VAA).

Sinubukan ni Nadine na iwanan ang VAA noong January 2020, pero hindi nangyari dahil ang kanyang home studio ang pinaboran ng korte.

Kinukunan sa isang bayan sa lalawigan ng Rizal ang mga eksena ng Greed, na mula sa direksyon ni Yam Laranas.

Si Yam ang nagbahagi sa publiko, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ng mga larawan na kuha sa set ng Greed ngayong Linggo, November 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong November 3, 2021, sinabi ng mga legal counsel ni Nadine na handa sa amicable settlement para maayos na ang mga gusot sa pagitan nila ng Viva Artists Agency.

“While Nadine is confident about the strength of her legal position, she remains open to amicably settling with Viva and proceeding under terms that are fair and mutually beneficial.

“Like Viva, Nadine looks forward to continuing to provide quality entertainment to audiences both local and across the globe," bahagi ng statement ng mga abogado ni Nadine.

Tila naantala ito dahil kasado na ang pelikulang gagawin ng aktres bago pa sila naglabas ng kanilang pahayag.

Noong August 2021, nabanggit ng isang Viva executive sa virtual media conference para sa Vivamax ang pagbabalik ni Nadine sa mother studio nito.

Samantalang sa press conference ng Ang Manananggal na Nahahati ang Puso noong September 2021, ikinuwento ng direktor na si Darryl Yap na may pelikulang gagawin ang aktres at si Yam ang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre and Diego Loyzaga have started shooting for their upcoming movie Greed. This is Nadine first movie after her legal dispute with mother studio Viva Artists Agency.
PHOTO/S: @yamlaranas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results