Newbie sexy star Angeli Khang, sinuway ang kagustuhan ng amang heneral na maging sundalo rin

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2021
angeli khang sexy
Angeli Khang on her acting in Mahjong Nights: "Na-shock po ako dahil hindi ko expected na nag-level up ako sa pag-arte even though there’s no workshop for me. Trailer pa lang, nakaka-excite na, what more yung full movie?"
PHOTO/S: Viva Films

Nabigla ang sexy newcomer na si Angeli Khang nang mapanood nito sa kauna-unahang pagkakataon ang official trailer ng kanyang launching movie, ang Mahjong Nights.

Nag-level up umano kasi ang acting ability niya buhat nang ipakilala siya sa Taya.

Pahayag niya, “Na-shock po ako dahil hindi ko expected na nag-level up ako sa pag-arte even though there’s no workshop for me.

"Trailer pa lang, nakaka-excite na, what more yung full movie?"

Legitimate na "The General’s Daughter" si Angeli dahil isang army general ang kanyang Korean father, na tutol sa pagiging artista niya at mas gustong pumasok siya sa military service.

“Ang gusto po niyang mangyari sa akin ay sundan yung landas niya as an army. He said that it has a lot of better opportunities.

"But in my heart and mind, gustung-gusto ko talaga na mag-artista kaya I got my consent from my mom.

"She told me to just do whatever makes me happy, and I think I will have to do a lot of explaining to my dad," saad niya.

Continue reading below ↓

Mahusay magsalita si Angeli dahil produkto ito ng isang international school kaya ikinagulat din ng kanyang mga kaibigan at kakilala ang desisyon niyang magpaseksi sa pelikula.

Aniya, “Ang sabi ng manager ko, kunin ang opportunity and let this be my stepping stone.

“I’m so honored to be the leading actress of Mahjong Nights. Talagang nag-effort ako, I worked hard para makamit ang expectations ni Direk Law [Lawrence Fajardo].”

Si AJ Raval ang bida sa Taya, ang unang pelikula ni Angeli.

Ayon kay Angeli, naging magkaibigan sila ni AJ nang gawin nila ang nabanggit na pelikula kaya hindi sila dapat pagkumparahin ng kanilang mga tagahanga.

Sabi ng 20-year-old sexy star, “AJ is really a good friend of mine. Nung nasa set kami ng Taya, talagang supportive siya.

"Every time na kinakabahan ako sa mga scene, lagi niyang sinasabi sa akin to do my best para isang take lang, tapos na.

"Kapag nakikita ko na kino-compare kami ng mga tao, sobrang nada-down ako."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeli Khang on her acting in Mahjong Nights: "Na-shock po ako dahil hindi ko expected na nag-level up ako sa pag-arte even though there’s no workshop for me. Trailer pa lang, nakaka-excite na, what more yung full movie?"
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results