Ai-Ai delas Alas, nagulat sa paglabas ng pagbibigay-tulong niya sa typhoon victims sa Ilocos Sur

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2021
ai-ai delas alas birthday
Comedy Concert Queen A-Ai delas Alas is celebrating her "forever 45" birthday today, November 11.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram

Ngayong Huwebes, November 11, ang kaarawan ni Ai-Ai delas Alas.

Pero hindi siya magkakaroon ng selebrasyon dahil bukod sa may pandemya, may taping siya para sa The Clash, ang singing competition program ng GMA-7.

“Malusog na pangangatawan para sa lahat at matapos na sana ang coronavirus pandemic para bumalik na sa normal ang sitwasyon sa buong mundo,” ang kahilingan ni Ai-Ai para sa kanyang kaarawan.

Mula nang tumuntong siya sa edad na 45, ito na ang madalas na isinasagot ni Ai-Ai sa tuwing may mga nagtatanong sa kanya.

“Forever na akong 45,” sabi ni Ai-Ai nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng hapon habang nasa breaktime sila ng kanyang mga kasama sa taping ng The Clash.

Likas na matulungin si Ai-Ai dahil nagbibigay siya ng tulong sa lahat ng mga tunay na nangangailangan, pero hangga’t maaari ay ayaw niyang ipinaaalam sa publiko ang kanyang pagkakawanggawa.

Sa mismong araw ng kanyang kaarawan, ikinagulat ni Ai-Ai ang link na natanggap niya tungkol sa Facebook post ng Alagang Kapatid Foundation ng TV5.

Continue reading below ↓

Ibinalita ng Alagang Kapatid Foundation na tinulungan ni Ai-Ai ang mga kababayan natin sa Ilocos Sur na labis na naapektuhan at sinalanta nang husto ng malakas na bagyong may pangalan na Maring.

Nakasaad dito: “Sa pananalasa ng Bagyong Maring, isa ang Brgy. Pacang sa mga binaha at iniwang putikan.

“Sa pagbabalik ng Alagang Kapatid Foundation Inc., dala namin ang pampasayang ayuda mula sa Queen of Philippine Media, AiAi Delas Alas!

“Ika ng mga taga-Bgy. Pacang, hindi nila akalain na ang isang sikat na artistang gaya ni Ms. AiAi, ay may puso para sa gaya nilang dumaranas ng unos. Muli, salamat Ms. AiAi!”

Nahiya sa sarili si Ai-Ai sa Facebook post ng Alagang Kapatid Foundation Inc. ng TV5 dahil ayaw niyang ipinamamalita ang kanyang ginagawa na pagtulong.

Higit sa lahat, nag-alala ang Comedy Concert Queen ng bansa na baka maging biktima siya ng bashing at paratangang nang-aagaw ng showbiz title dahil "Queen of Philippine Media" ang pagsasalarawan sa kanya ng Alagang Kapatid Foundation Inc.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Ai-Ai delas Alas, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedy Concert Queen A-Ai delas Alas is celebrating her "forever 45" birthday today, November 11.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results