Young actress, hindi nakakibo nang sabihang "mukhang ninang" ng production executive

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Isang karangalan para sa mga kababaihan na kunin sila bilang mga principal wedding sponsor dahil nangangahulugan ito ng paggalang at pagkilala sa kanila bilang pangalawang ina ng mga inaanak nila sa kasal.

Si Dra. Vicki Belo ang isa sa mga sikat na ninang sa pagpapakasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa Bagac, Bataan, ngayong Huwebes, November 11.

Dahil may kalayuan sa Metro Manila ang wedding venue nina Ellen at Derek, maagang nagpunta sa Bataan si Dra. Belo.

Ninang naman si Davao City Mayor Sara Duterte sa kasal nina Jed Patricio at Gianna Revilla sa farm ng mga Revilla sa Silang, Cavite, ngayon ding Huwebes.

Si Gianna ay anak nina Senator Bong Revilla Jr. at Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Binigyan ng importansiya ni Mayor Sara ang pagiging ninang sa kasal ng anak nina Bong at Lani na kanyang dinaluhan at hindi niya inalintana ang “paglalagare.”

Pumunta muna si Mayor Sara ngayong umaga sa Balesin Island sa Polillo, Quezon para batiin nang personal si House Speaker Lord Allan Velasco na nagdiwang ng kaarawan sa nabanggit na isla.

Continue reading below ↓

Mula rito, lumipad na siya sa Maynila para dumalo sa Patricio-Revilla wedding sa Cavite.

Ang pagbiyahe nina Dra. Belo at Mayor Sara sa mga lugar na malalayo para maging ninang sa kasal ang pagpapatunay ng kanilang pagpapahalaga sa mga responsibilidad na ipinagkatiwala ng mga inaanak nila.

Pero hindi Dra. Belo o Mayor Sara ang young actress na hindi natuwa nang sabihan ito ng isang production executive na mukha siyang “ninang.”

Walang reaksiyon ang young actress nang magkita sila ng production executive sa unang pagkakataon para sa isang project na kanilang gagawin.

Nagulat ang production executive nang makaharap niya nang personal ang young actress dahil sa kasuotan nito.

“Mukha kang ninang!” ang unapologetic statement ng production executive na kilala sa pagiging prangka pero may malasakit sa mga artistang nakakatrabaho niya.

Hindi nakakibo ang young actress pero halatang naapektuhan siya sa salita na narinig.

Imbes na magdamdam at mainsulto, isang hamon para sa young actress ang sinabi ng production executive.

Continue reading below ↓

Panahon na para maghanap ang young actress ng magaling na fashion stylist na tutulong sa kanyang magbihis nang maayos at naaayon sa edad niya para hindi na siya mapagkamalan at masabihan na mukhang ninang.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results