Watch Now

Vice Ganda, ano kaya ang masasabi sa sex trafficking charges kay Apollo Quiboloy?

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2021
vice ganda apollo quiboloy
Inaabangan ngayon ng marami ang magiging reaksiyon ni Vice Ganda sa kasong sex trafficking na kinahaharap ngayon ni Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name.
PHOTO/S: @viceganda on Instagram / Screen grab from YouTube

Nakatatanggap ngayon ng mga batikos at panghuhusga si Pastor Apollo Quiboloy, ang 71-year-old founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, dahil sa kasong sex trafficking na isinampa laban sa kanya ng U.S. prosecutors

Si Quiboloy, na self-proclaimed "Appointed Son of God at Owner of the Universe," ay malapit na kaibigan at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mga negatibo ang karamihan sa mga komentong mababasa sa official Facebook page ng Kingdom of Jesus Christ dahil sa bagong akusasyon laban kay Quiboloy.

Pero ang reaksiyon ni Vice Ganda ang inaabangan ng karamihan dahil sa palitan nila ng mga salita, dalawang taon na ang nakalilipas.

Noong November 2019, tinawag ni Vice si Quiboloy na "napakayabang" dahil sa claim nitong siya ang nagpahinto sa malakas na lindol na nangyari sa Mindanao.

Hinamon ni Vice si Quiboloy na patigilin din nito ang matinding traffic situation sa EDSA at ang Ang Probinsyano, ang longest-running action drama series ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinalampas ni Quiboloy ang pahayag ni Vice dahil tinanggap niya ang hamon sa kanya ng host ng It’s Showtime.

Sabi ni Quiboloy: “Kailan mo ba gustong mapa-stop ang Ang Probinsyano? Ikaw, magpili ka, kelan mo ba gustong mai-stop?

"Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Ikaw, pili ka.

“Baka sa apat na buwan, hindi lang yung Probinsyano ang mai-stop, baka pati yung network mo, stop na ‘yan.”

Tila nangyari ang sinabi ni Quiboloy dahil nawala ang traffic sa EDSA nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region noong March 2020. Nagsara naman ang ABS-CBN nang hindi ito pagkalooban ng franchise ng Kongreso.

Muling pangungutya at sermon kay Vice ni Quiboloy noong July 11, 2020:

“O, di Vice Ganda, alam mo na ngayon, hindi kayo makapangyarihan! Ang Amang nasa langit ang makapangyarihan.

"O, challenge accepted, ‘yan ang napala niyo, di ba?So when you have influence, I told you, kapag kayo may impluwensiya kayo, sikat kayo, nakatingala ang mga tao sa inyo, be a good example. Huwag kayong magyabang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, si Quiboloy na isang influential church leader naman ang nahaharap sa malaking pagsubok dahil sa sex trafficking case niya sa Amerika. Kaya ang mga sasabihin ni Vice ang hinihintay ng publiko na pinagpistahan noon ang isyu ng dalawang kontrobersiyal na personalidad.

Nakasaad sa 74-pahinang sakdal na inilabas ng U.S. prosecutors na sinampahan ng kaso si Quiboloy at ang ibang mga opisyal ng Kingdom of Jesus Christ, kabilang ang dalawang administrador ng simbahan na nakabase sa U.S., dahil sa sex trafficking operation, pagbabanta ng pisikal na pang-aabuso, at walang hanggang pagsumpa (eternal damnation) sa mga batang biktima.

Nakalagay sa indictment charges na nag-recruit si Quiboloy at ang ibang mga akusado ng mga kababaihang may edad 12 hanggang 25 bilang mga personal assistant, o "pastorals" na may mga tungkuling paghahanda ng mga pagkain, paglilinis sa tirahan, pagmamasahe, at pakikipagtalik na tinatawag na “night duty” kay Quiboloy.

Sinabi ng federal prosecutors sa Los Angeles na nadagdagan ang mga bagong akusasyon kay Quiboloy at sa tatlong namamahala sa kanyang simbahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nong 2020, pinaratangan na sila ng pagdadala sa Amerika ng mga miyembro nila, gamit ang mga U.S. visa na nakuha mula sa mapanlinlang na paraan at panghihingi ng mga donasyon para sa isang huwad o fake children’s charity.

Ayon sa mga federal prosecutor ng Los Angeles, ginamit ng mga pinuno ng Kingdom of Jesus Christ ang mga donasyon para sa kanilang mararangyang pamumuhay.

QUIBOLOY CAMP REACTION

Nanindigan naman ang kampo ni Quiboloy na mapagtatagumpayan ni Quiboloy at iba pang Kingdom leaders ang balakid na ito, at mananaig umano ang kabutihan laban sa kasamaan,

Bahagi ng pahayag ng legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ: "We are confident and ready to face whatever is hurled against Pastor Quiboloy and the Kingdom leaders. We trust the process of justice and we certainly expect the truth to prevail, and the Kingdom ministry will continue to prosper.

"With the growing ministry and followers of the Kingdom comes also the growing opposition who are trying their best to destroy it and all the Kingdom leaders. While jealousy and evil will never stop, we strongly believe that good always triumphs over evil."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang kabuuang pahayag ng kampo ni Quiboloy:

quiboloy statement

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaabangan ngayon ng marami ang magiging reaksiyon ni Vice Ganda sa kasong sex trafficking na kinahaharap ngayon ni Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name.
PHOTO/S: @viceganda on Instagram / Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results