Unscripted scene nina Osang, Alma, Maui at Ara sa #Pornstar 2, nakakaintriga

by Jojo Gabinete
Nov 21, 2021
Rosanna Roces
Alma Moreno
Maui Taylor
Ara Mina
Nakakaintriga ang throwback stories nina (L-R) Rosanna Roces, Alma Moreno, Maui Taylor at Ara Mina sa isang unscripted scene mula sa bagong pelikula nilang #Pornstar 2: Pangalawang Putok, ang sequel ng kanilang blockbuster hit na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Wala nang titindi pa sa mga eksena ng #Pornstar 2: Pangalawang Putok, ang sequel ng blockbuster movie na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar dahil sa pagkakaroon nito ng apat na frontal nudity scenes, 42 full breast exposure scenes, apat na sinful sex scenes at tatlong erotic training session scenes.

Sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor ang lead stars ng #Pornstar 2 at kaharap sila nang kunan ang mga maseselang eksenang tiyak na gagawa ng ingay at kontrobersya dahil lalong naging mapangahas at palaban ang direktor na si Darryl Yap.

Tiyak na pag-uusapan din ang unscripted scene ng apat na bidang babae habang nagkukuwentuhan sila tungkol sa mga aktor na kanilang nakapareha sa mga pelikula noong kasikatan nila bilang mga sex symbol.

Puwedeng umalma ang isang aktor na inakusahan ni Maui Taylor na hindi nagsepilyo ng ngipin bago kinunan ang kanilang love scene.

“Hindi siya mahilig mag-toothbrush, e ang instruction ng direktor, 'Hinga ka dito.’

Continue reading below ↓

Ako parang...[ang baho],” kuwento ni Maui na hindi makalimutan ang karanasan sa aktor na pinangalanan niya sa pelikula.

Isiniwalat naman ni Alma ang dahilan kaya nagustuhan niya si Joey Marquez noong nanliligaw pa lamang ito sa kanya.

Sabi ni Alma "pa-tweetums" pa siya noon at ikinagulat niya ang paghalik sa kanya ni Joey, kahit wala sa eksena sa pelikula.

“Pucha, ang sarap talaga,” ang walang kamali-malisyang sabi ni Alma.

Pinag-usapan din ng apat na bida ng #Pornstar 2 ang mga aktor na nakatambal nila sa pelikula na malilinis sa katawan at mababango ang mga hininga.

Hindi naman makalimutan ni Ara ang eksena na nakatulog siya sa love scene nila ng isang action superstar dahil sa sobrang pagod niya.

“Kasi may jetlag ako. From the airport, diretso ako sa shooting sa Clark. E, siyempre noon, wala namang cut-off.

"May eksena na natutulog ako, magigising ako tapos hahalikan niya ako,” ang throwback story ni Ara na ikinagulat ng kanyang mga kausap dahil isang showbiz icon ang tinulugan niya.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakaintriga ang throwback stories nina (L-R) Rosanna Roces, Alma Moreno, Maui Taylor at Ara Mina sa isang unscripted scene mula sa bagong pelikula nilang #Pornstar 2: Pangalawang Putok, ang sequel ng kanilang blockbuster hit na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results