Luis Manzano, common denominator sa tatlong biggest celebrity weddings of 2021

by Jojo Gabinete
Nov 21, 2021
Si Luis Manzano ang "common denominator" sa tatlong biggest celebrity weddings of the year dahil nakarelasyon niya sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado at si Jessy Mendiola na siyang pinakasalan niya noong Pebrero 2021. Matatandaan ding ang tatlo ay nakilala rin bilang former FHM Sexiest Women.
PHOTO/S: Screen Grab from Sweet Via BTS video on Facebook

Kinaiinggitan at idol si Luis Manzano ng mga kalalakihan noong binata pa siya dahil tatlo sa mga aktres na hinirang na Sexiest Woman in the Philippines ng defunct magazine na FHM ang nagkaroon ng kaugnayan sa kanya, sina Angel Locsin (2010), Jennylyn Mercado (2015) at Jessy Mendiola (2016).

Unang nakarelasyon ni Luis si Angel noong 2009 pero nagkahiwalay sila. Nagkabalikan ang dalawa noong 2014 pero makaraan ang dalawang taon, muli silang nagkanya-kanya ng landas noong 2016.

Nang una silang maghiwalay ni Angel, si Jennylyn ang nakarelasyon ni Luis noong 2011 pero humantong din sa hiwalayan noong October 2013 ang kanilang pagsasama.

July 2016 naman nang aminin ni Jessy ang relasyon nila ni Luis na humantong sa pag-iisang-dibdib nila sa The Farm at San Benito sa Lipa City noong February 27, 2021.

Jessy Mendiola
Luis Manzano

Continue reading below ↓

Hindi natapos sa pagpapakasal nila ni Jessy ang koneksyon ni Luis sa kanyang mga dating karelasyon dahil noong July 26, 2021, si Angel naman ang nagpakasal sa fiancé nito, ang movie producer na si Neil Arce.

Angel Locsin
Neil Arce

Tulad nang kasal nina Luis at Jessy, tahimik, pribado at simple ang civil wedding nina Angel at Neil sa opisina ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Continue reading below ↓

Noong November 15, 2021, si Jennylyn naman ang ikinasal kay Dennis Trillo sa isang intimate civil wedding ceremony sa Quezon City pero kahapon lamang, November 20, ibinahagi ng dalawa sa publiko ang mga larawan na kuha sa kanilang pag-iisang dibdib noong nakaraang Lunes.

Dennis Trillo
Jennylyn Mercado

Sa vlog na inilabas nila kagabi sa kanilang YouTube Channel, ikinuwento nina Dennis at Jennylyn na ikinasal sila ng isang justice.

Continue reading below ↓

Ang pagkakaroon ng simple pandemic civil weddings ngayon taon nina Jessy, Angel at Jennylyn ang dahilan kaya muling naalaala ng publiko na si Luis ang “common denominator” ng former Sexiest Women ng FHM.

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Luis Manzano ang "common denominator" sa tatlong biggest celebrity weddings of the year dahil nakarelasyon niya sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado at si Jessy Mendiola na siyang pinakasalan niya noong Pebrero 2021. Matatandaan ding ang tatlo ay nakilala rin bilang former FHM Sexiest Women.
PHOTO/S: Screen Grab from Sweet Via BTS video on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results