Alma Moreno, masama pa rin ang loob kay Karen Davila?

by Jojo Gabinete
Nov 21, 2021
Alma Moreno
Karen Davila
Hindi pa rin ba makalimutan ni Alma Moreno ang bashing na dinanas niya mula sa netizens matapos ang Headstart interview ni Karen Davila noong November 11, 2015? Senatorial aspirant noon si Alma at nag-guest siya upang magbigay-linaw sa kanyang platform at sa kanyang opinyon tungkol sa ilang issues.

Ngayong Linggo, November 21, 2021 ang ika-51 birthday ni Karen Davila na tumanggap ng maraming pagbati.

Mahirap kasing makalimutan ang kanyang "Omigod!" reaction nang malamang magkapareho ang araw ng kapanganakan nila ni Lyca Gairanod, na nagdiriwang rin ng ika-17 kaarawan.

Ang kanilang YouTube vlog ay nag-viral noong August 2021 at naging meme.

Nabanggit ni Karen sa kanyang OG Channel feature na madalas siyang mag-trending dahil sa kanyang mga interview na nagiging kontrobersiyal.

At isa sa mga naging kontrobersiyal niyang interview ay kay Alma Moreno, na nag-guest noong November 11, 2015 sa Headstart, ang television program ni Karen sa ANC.

Senatorial aspirant noon si Alma para sa May 2016 elections, pero tumanggap siya ng mga batikos mula sa mga netizens dahil sa mga sagot niya sa mga katanungan ni Karen tungkol sa same-sex marriage, women’s rights, at reproductive health.

Si Alma ang isa sa mga bida ng #Pornstar 2: Pangalawang Putok, ang upcoming sexy comedy movie na mapapanood sa Vivamax.

Continue reading below ↓

Sa isang eksena ng pelikula, naglabas ng hinanakit ang dating sex symbol tungkol sa ginawa sa kanya noon ng isang reporter.

Kahit hindi nagbanggit ng pangalan si Alma, hindi maipagkakaila na si Karen ang reporter na tinutukoy niya, isang pahiwatig na hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya sa pang-aapi na ginawa sa kanya noon.

“Hindi na ako magbabanggit, sa TV. Yung sa TV po na yung isang reporter na sumagot na ako pero talagang idinidiin, idinidiin po ako hanggang sa napahiya na ako. Hanggang sa bashers ko, sobra na.

“Hindi na lang po ako sumagot,” ang napaiyak na sabi ni Alma sa pelikula.

“Hindi porke mga sexy star kami, bold star kami, huhusgahan niyo lahat dahil kami ho, tao lang na nasasaktan din pero may puso ho kami.”

Nag-viral noon ang interview kay Alma na nilibak at ginawang katatawanan pero hindi raw dumating ang inaantay niyang paumanhin mula kay Karen.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng isang Instagram post noong November 2015, sinagot ni Karen ang isyu tungkol sa kanyang kontrobersiyal na panayam kay Alma bilang depensa niya sa sarili.

Paliwanag niya, “If you watched the interview in full, you will see that I shifted to Tagalog, during many times. I tried to help her.

“My previous interviews were much tougher—with Senator Bongbong Marcos, for example, or Manila International Airport Authority GM Angel Honrado.

“When someone is running for higher office, they must have an understanding of issues. This is a standard we owe to the Filipino people. You will choose in the end. My job is to ask the hard questions.”

Sa kabila ng depensa at paliwanag ni Karen, naniniwala ang anak ni Alma na si Vandolph Quizon na hiniya diumano ni Karen ang kanyang ina.

“Karen should not choose whom to respect. She should treat her guests equally. The way she interviewed my mom was different.

Continue reading below ↓

“Karen humiliated my mom on national TV. She kept pounding on her. She let my mom get rattled. My mom deserves to be respected because she is the chair of PCL [Philippine Councilors League], and she has been serving the country for so long. My mom is a person of action and not just words,” ang pahayag ni Vandolph noong November 2015 sa entertainment writer na si Dolly Anne Carvajal.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa rin ba makalimutan ni Alma Moreno ang bashing na dinanas niya mula sa netizens matapos ang Headstart interview ni Karen Davila noong November 11, 2015? Senatorial aspirant noon si Alma at nag-guest siya upang magbigay-linaw sa kanyang platform at sa kanyang opinyon tungkol sa ilang issues.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results