Luis Hontiveros, sinagot ang mga kumukuwestiyon sa kanyang sexual orientation

by Jojo Gabinete
Nov 22, 2021
Luis Hontiveros
Luis Hontiveros: "Sa akin, nagmo-model pa lang ako, even before pumasok ako sa showbiz, parang may mga kumakalat na bakla raw ako... Tumatanggap ng indecent proposals... Noong una, parang, what?! Parang nasa-shock pa ako, affected ako."
PHOTO/S: @luishontiveros7 Instagram

Ang Palitan ang unang sexy drama indie movie ng Kapuso star na si Luis Hontiveros.

Humarap si Luis sa virtual media launch ng Palitan ngayong Lunes ng hapon, November 22.

Ang aspiring actors na sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, at Rash Flores ang mga co-star ni Luis sa Palitan.

At dahil mga baguhan, tinanong namin sa apat kung may mga kontrobersiyang kinasangkutan nila noong hindi pa sila mga artista ang posibleng maungkat dahil sa pagpasok sa showbiz at ikinatatakot nila.

Mahaba ang sagot ng 29-year-old actor na si Luis.

Pero ang pagdududa ng iba sa pagkalalaki niya ang pinagtuunan niya ng pansin, hindi ang mga alleged leaked private video na ibinibintang sa kanya noon.

"Sa modelling days pa lang nagsimula, I think any other male model, may pagdadaanan na kung anu-anong isyu kasi we’re in the entertainment industry.

"Sa akin, nagmo-model pa lang ako, even before pumasok ako sa showbiz, parang may mga kumakalat na bakla raw ako.

Continue reading below ↓

"Kesyo ganyan, kesyo ganito. Alaga ni ganito, tumatanggap ng indecent proposals,” diretsang pahayag ni Luis.

LUIS: "WALANG GANOONG NANGYARI."

Pero hindi siya nagpapaapekto sa mga aniya'y walang basehang isyung ipinupukol sa kanya.

Kuwento ni Luis: "Well, for me, noong una, parang, what?! Parang nasa-shock pa ako, affected ako.

"But after so many years being in the industry, knowing myself, knowing yung katotohanan na wala naman ganoong nangyari, I just brushed it off.

"At the end of the day, the only opinion that matters are the people who actually matter to me."

Kung anu't ano man, naniniwala rin si Luis na hindi big deal ang sexual orientation ng isang artista.

"It’s 2021 na. Ano naman kung bading yung lalake? Ano naman kung tomboy yung babae? What’s wrong with that?" katuwiran niya.

Diin pa ni Luis: "Until now pa rin ba, gagawin nating isyu yung sekswalidad, sexual identity, sexual preference ng mga tao?

Continue reading below ↓

"Dapat hindi na pinagtsitsismisan ‘yan kasi everyone should accept everyone.

"No matter who, where, what type of person, they should be accepted at the end of the day."

WORKING WITH BRILLANTE MENDOZA

Lubos na nagpapasalamat si Luis dahil mapalad siya na ang 2009 Cannes Best Director na si Brillante Mendoza ang direktor niya sa Palitan.

Hanggang ngayon, hindi makapaniwala si Luis na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang internationally acclaimed Filipino filmmaker.

Sabi niya: "I’m still overwhelmed, in awe. Hindi talaga ako makapaniwala noong una kasi nga Direk Brillante Mendoza, best director sa Cannes.

"So, for someone na nagsisimula pa lang somehow sa industry, tapos first indie film ko pa, and then I would be working with a director like him, talagang I’m really blessed and grateful sa tiwala, sa opportunity na ibinigay nila para maipakita ko kung ano yung kakayahan ko sa craft ko sa pelikulang ito.

"Working with him is not just, hindi lang maganda sa resume ko, ‘ika nga, pero ang dami kong natutunan [mula] sa kanya.

Continue reading below ↓

"A lot of wisdom, on-and-off cam, so I’m very grateful also for him," pahayag ni Luis.

Unang nakilala si Luis sa PBB: Lucky 7, ang Kapamilya reality show na umere mula July 2016 hanggang March 2017.

Pero noong July 2020, pumirma siya bilang bagong artist ng Kapuso talent management na GMA-7 Artist Center.

Kasalukuyang napapanood si Luis sa To Have and To Hold, ang Kapuso primetime series na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Max Collins, at Rocco Nacino.

HOT <EM>STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Hontiveros: "Sa akin, nagmo-model pa lang ako, even before pumasok ako sa showbiz, parang may mga kumakalat na bakla raw ako... Tumatanggap ng indecent proposals... Noong una, parang, what?! Parang nasa-shock pa ako, affected ako."
PHOTO/S: @luishontiveros7 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results