Miriam Quiambao, nagbigay ng opinyon sa tsansa ni Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe 2021

by Jojo Gabinete
6 days ago
miriam quiambao beatrice luigi gomez
Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao (left) on Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez: “Ang Miss Universe naman, parang open na rin sila, so she could have just as much chance as any other straight woman, I think.”
PHOTO/S: @miriamq888 / @themissuniverseph on Instagram

Sa darating na Sabado, November 27, ang biyahe ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez papunta sa Israel para sa 70th Miss Universe.

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2021 sa Universe Arena sa Eliat, Israel, sa December 12.

Kasabay na aalis ni Bea si Jonas Gaffud, ang creative director ng Miss Universe Philippines Organization, at apat na maletang naglalaman ng kanyang mga damit na gagamitin sa contest.

Inaasahang isa si Bea sa mga kandidatang tututukan at pag-uusapan sa prestigious international beauty pageant na kanyang sasalihan.

Bukod kasi sa angking kagandahan at talino, openly gay siya at may karelasyong kapwa babae.

Tinanong ng Cabinet Files si Miriam Quiambao tungkol sa tsansa ng isang openly-gay contestant na gaya ni Bea sa Miss Universe.

Si Miriam ang hinirang na 1st runner-up sa Miss Universe 1999 na idinaos sa Trinidad and Tobago noong May 26, 1999.

“Ang Miss Universe naman, parang open na rin sila, so she could have just as much chance as any other straight woman, I think,” sagot ni Miriam.

Continue reading below ↓

miriam quiambao beatrice luigi gomez

Bb. Pilipinas-Universe 1999 Miriam Quiambao (left) and Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez

DROUGHT IN BEAUTY PAGEANTS

Ibinahagi rin ni Miriam ang kanyang karanansan nang nagbigay siya ng karangalan sa Pilipinas dalawampu’t dalawang (22) taon na ang nakalilipas.

“First runner-up ang naiuwi ko pero nakapagdulot ito ng malaking karangalan sa Pilipinas dahil nga, at the time, sobrang down na down ang mga moral ng mga Pilipino,” pagbabalik-tanaw ni Miriam nang makausap siya ng Cabinet Files tungkol sa pagsali niya noon sa 48th Miss Universe.

Continue reading below ↓

“Twenty-six years na yung drought natin from the time na nanalo si Margie Moran [Miss Universe 1973], so our country was wanting of another beauty queen.

"Kahit hindi ako nakapag-uwi ng korona, I was the closest one who won at that time."

Ang kinoronahang Miss Universe 1999 ay si Mpule Kwelagobe ng Botswana.

miss universe 1999

Continue reading below ↓

Hindi man nakuha noon ni Miriam ang elusive Miss Universe crown, nagmistula na siya ang titleholder nang magbalik sa Pilipinas mula sa Trinidad and Tobago dahil sa kanyang motorcade sa Maynila noong June 10, 1999 na inabangan at pinagkaguluhan ng ating mga kababayan.

Dinagsa rin ng mga miyembro ng media ang welcome presscon noon para kay Miriam na ginanap sa Century Park Sheraton Hotel sa Maynila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao (left) on Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez: “Ang Miss Universe naman, parang open na rin sila, so she could have just as much chance as any other straight woman, I think.”
PHOTO/S: @miriamq888 / @themissuniverseph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results