Lian Paz, desididong asikasuhin ang annulment case nila ni Paolo Contis

by Jojo Gabinete
5 days ago
lian paz instagram
Lian Paz on her desire to pursue annulment case with estranged husband Paolo Contis: “Ginagawa ko ito para maayos na ang buhay ko. I’m already walking with the Lord. 2012 pa kami naghiwalay at with all evidences now, pati paghihiwalay nila ni LJ, I guess strong evidence na yun para ma-grant ang annulment. Kaso, di ko talaga alam ang status, if inaasikaso ba talaga?" Lian is now based in Cebu with her partner John Cabahug (right) and their children.
PHOTO/S: Courtesy of Lian Paz

Matagal nang walang komunikasyon at may kanya-kanya nang buhay ang estranged couple na sina Paolo Contis at Lian Paz.

Pero bukod sa pagkakaroon ng dalawang anak na sina Xonia at Xalene, may kaugnayan pa rin sila sa isa’t isa dahil hanggang ngayon, hindi pa napapawalang-bisa ng korte ang kanilang civil wedding

Ikinasal sina Paolo at Lian sa Cauayan, Isabela noong July 20, 2009.

Si Paolo ang unang nag-file noon ng petisyon para sa annulment ng civil wedding nila ni Lian, pero idineklara itong null and void dahil pinalabas ng aktor na hindi totoo ang kanilang kasal dahil may taping siya noong araw na ‘yon, kasama ang kanyang mga saksi.

Dahil null and void, si Lian naman ang sumunod na naghain ng petisyon para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Paolo.

Pero hindi na niya alam ang nangyayari sa kaso kaya nagpasya siyang magsalita na.

Pahayag ni Lian sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files ngayong Martes, November 23, “Because he already filed, ako naman ang sumunod na nag-file.

Continue reading below ↓

“Hinayaan ko siyang kumilos nung una, but this time, ako na. Pero ang lawyer pa rin niya ang nag-asikaso para hindi raw masayang ang ground works at para mas mabilis daw.

“Pumunta dito [sa Cebu] ang lawyer niya, ininterbyu ako. Nag-file under my name sa Marikina City dahil doon ang residence ko.

"Kaso, walang balita, walang update. As of now, ang sabi po it was filed na but not moving.

“Kung may kailangang bayaran [legal fees, etc.], puwedeng magsabi na lang siya para ako na lang ang mag-asikaso."

Dagdag niya, “Four years ago, sinabi ko na ‘yan sa kanya [Paolo] na ako ang mag-aasikaso. Ang sabi niya, huwag daw.

"Pero hanggang ngayon, wala pang ganap."

LIAN PAZ'S ENGAGEMENT TO JOHN CABAHUG

Matagal nang Cebu-based si Lian at maligayang-maligaya sa piling ng kanyang karelasyong si John Cabahug, na kinikilalang ama ng mga anak nila ni Paolo.

lian paz john cabahug couple

Continue reading below ↓

Noong February 2021, kahit hindi pa annulled ang kasal nina Paolo at Lian, nag-propose si John ng kasal kay Lian.

Pero nilinaw ni Lian na walang kinalaman ang kanilang engagement sa pagpupursige niya ngayong magkaroon na ng resulta ang matagal nang nakabinbing annulment case nila ng kanyang estranged husband.

“It doesn’t mean I want to get married, but I just want my freedom back.

"Alam mo yung ganoong feeling? Na hindi mo na bitbit yung surname niya sa passport? Na kada magta-travel ako, Contis pa rin?

“Nakikita ko naman na marami na ang kaganapan sa buhay niya, at ang annulment ng kasal namin, parang yun talaga ang missing piece para maging malaya na kami mula sa isa’t isa.”

Ngayong lumuluwag na ang mga paghihigpit sa mga ipinatutupad na alituntunin laban sa coronavirus pandemic, desidido si Lian na asikasuhin ang annulment case nila ni Paolo.

Gusto raw kasi niyang ilagay sa ayos ang lahat para sa kapakanan ng bawat isa na sangkot sa isyu.

Continue reading below ↓

Gagawin daw niya ito hindi lamang para sa kanya kundi para na rin sa kalayaan ng 37-year-old actor na nauugnay naman sa kasalukuyan kay Yen Santos, matapos hiwalayan si LJ Reyes.

Saad ni Lian, “Ginagawa ko ito para maayos na ang buhay ko. I’m already walking with the Lord.

“2012 pa kami naghiwalay at with all evidences now, pati paghihiwalay nila ni LJ, I guess strong evidence na yun para ma-grant ang annulment.

"Kaso, di ko talaga alam ang status, if inaasikaso ba talaga?"

Trivia: Noong August 29, 2018, nagbigay ng pahayag si Paolo sa 24 Oras ng GMA-7 tungkol sa development sa annulment case nila ni Lian nang magkasabay silang nagpainterbyu ni LJ dahil inamin nito sa publiko ang hindi inaasahang pagbubuntis sa kanilang panganay na anak.

“My case is still ongoing and, of course, sa atin, we have to respect our law and yung way ng court natin. Sometimes we really have to wait longer,” sabi ni Paolo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lian Paz on her desire to pursue annulment case with estranged husband Paolo Contis: “Ginagawa ko ito para maayos na ang buhay ko. I’m already walking with the Lord. 2012 pa kami naghiwalay at with all evidences now, pati paghihiwalay nila ni LJ, I guess strong evidence na yun para ma-grant ang annulment. Kaso, di ko talaga alam ang status, if inaasikaso ba talaga?" Lian is now based in Cebu with her partner John Cabahug (right) and their children.
PHOTO/S: Courtesy of Lian Paz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results