Miss Universe Philippines crown, may kakambal na sumpa sa pag-ibig?

by Jojo Gabinete
5 days ago
miss universe philippines love life curse
MISS UNIVERSE PHILIPPINES WINNERS: (from left) Miriam Quiambao, Janine Tugonon, Catriona Gray, Rabiya Mateo, and Beatrice Luigi Gomez.

Hindi nakabibigla para sa mga naniniwalang may kakambal na kabiguan sa pag-ibig ang pagkakaroon ng Miss Universe Philippines beauty title ang balita tungkol sa breakup ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at ng girlfriend nitong si Kate Jagdon.

Ang kaibahan lang, tinapos ng dalawa ang kanilang same-sex relationship bago sumali si Bea sa 70th Miss Universe na magaganap sa Eilat, Israel sa December 12, 2021.

Ang paghihiwalay nina Bea at Kate ang lalong nagpatindi sa mga dudang may epekto sa buhay-pag-ibig—heterosexual o same-sex relationship man—ng Miss Universe Philippines winners ang kanilang mga korona base sa mga karanasan ng mga sumusunod:

MIRIAM QUIAMBAO & MARTIN BERNARDO

Matapos manalong 1st runner-up sa 48th Miss Universe sa Trinidad and Tobago noong May 26,1999, nakipaghiwalay si Miriam Quiambao sa kanyang boyfriend na si Martin Bernardo.

JANINE TUGONON & JAYPEE SANTOS

First runner-up si Janine Tugonon sa 61st Miss Universe na ginanap sa Las Vegas, Nevada noong December 19, 2012.

Continue reading below ↓

Nang bumalik siya sa Pilipinas noong January 2013, sinabi niya sa isang interbyu na hinding-hindi sila maghihiwalay ng kanyang boyfriend na si Jaypee Santos.

"I think it’s gonna be my loss if I break up with Jaypee. If I were to choose a lifetime partner, I would choose him," sabi ni Janine.

Nagsalita siya nang tapos pero hindi niya napanindigan dahil humantong din sa hiwalayan ang relasyon nila ni Jaypee.

CATRIONA GRAY & CLINT BONDAD

Nangyari kay Catriona Gray ang karanasan nina Miriam at Janine dahil naghiwalay sila ni Clint Bondad matapos niyang mapanalunan ang korona ng 67th Miss Universe na idinaos noong December 17, 2018 sa Bangkok, Thailand.

Marami ang nalungkot para kay Clint nang magwakas ang relasyon nila ni Catriona dahil sa pagmamahal at suporta na ipinakita niya nang sumali sa 67th Miss Universe ang kanyang girlfriend na karelasyon ngayon ni Sam Milby.

RABIYA MATEO & NEIL SALVACION

Hindi nakaligtas si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa “sumpa” sa pag-ibig ng Miss Universe Philippines crown.

Continue reading below ↓

Sa panayam kay Rabiya ng ABS-CBN News noong November 2,2020, nagbitaw siya ng mga pahayag tungkol sa kanyang boyfriend na si Neil Salvacion.

Aniya, “I promised not to leave him even if I win. We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend. We’ve been together since college. I can make a man stay!”

Sa kasamaang-palad, hindi nabigyan ni Rabiya ng hustisya ang kanyang mga binitiwang salita.

Noong June 2021, kinumpirma ni Neil sa pamamagitan ng isang social media post na hiwalay na sila ng girlfriend niyang pumasok na rin sa showbiz para tuparin ang isang matagal nang pangarap.

Hindi lamang ang mga nabanggit na Miss Universe Philippines winner ang dumanas ng pagkabigo sa pag-ibig.

Naranasan din ito nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margarita Moran, Bb. Pilipinas Universe 1991 Anjanette Abayari, Bb. Pilipinas Universe 1995 Joanne Quintas, Bb. Pilipinas Universe 1998 Jewel Lobaton (ex-wife ni Senator Koko Pimentel), at ibang Bb. Pilipinas Universe titleholders na tikom ang bibig tungkol sa pakikipaghiwalay sa mga asawang pinakasalan nila dahil sa malaking pagpapahalaga sa kanilang mga pribadong buhay.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MISS UNIVERSE PHILIPPINES WINNERS: (from left) Miriam Quiambao, Janine Tugonon, Catriona Gray, Rabiya Mateo, and Beatrice Luigi Gomez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results