Cara Gonzales, may "no touch" rule kahit naghubad sa pelikula

by Jojo Gabinete
Nov 23, 2021
Cara Gonzales, Rash Flores, and Jela Cuenca
Cara Gonzales (left), may limitasyon sa pagpapaseksi sa pelikula: "Ang father ko ang nagsabi na walang hawak sa boobs, pero lahat okay." Sina Rash Flores at Jela Cuenca (right) ay co-stars ni Cara sa Palitan.

Si Brillante Mendoza ang direktor ng sexy drama movie na Palitan na pinagbibidahan ng tatlong baguhang artista — sina Cara Gonzales, Jela Cuenca, at Rash Flores.

Iisa ang pagnanais nilang gamiting stepping stone ang paghuhubad sa pelikula para matupad ang kanilang mga pangarap maging artista.

Ang Palitan at Pornstar 2 ang dalawang pelikula ni Cara na nagmula raw sa konserbatibong pamilya.

Lahad niya, "Ang father ko is contractor so nasa construction business kami. Ako yung nagsu-supervise after ko mag-aral.

"Meron po akong meat shop, kaya ngayon, pinagsasabay ko yung business ko sa showbiz.

"Galing ako sa religious and conservative family kaya sobrang layo ng personality ko sa role ko sa Palitan. Sobrang daring, sobrang all-out ako."

Aminado si Cara na naiilang siyang ipakita ang pelikula sa mga kapatid niyang panay lalake.

"Para sa akin, nahihiya ako kasi nga ang hirap ipakita, puro lalake yung kapatid ko.

"Six kaming magkapatid, nag-iisa lang akong babae, so parang nahihirapan ako na i-express na sobrang daring ang role ko," sabi niya.

Continue reading below ↓

Pero may kakaibang pananaw ang kanyang ama tungkol sa pagpapaseksi niya sa pelikula.

May kundisyong ibinigay ang kanyang ama para payagan siya sa paggawa ng mga mapangahas na eksena.

Sabi ni Cara, "Yung isang ipinagbabawal sa akin, bawal ako magpahawak ng boobs, yun ang sabi ng father ko para payagan ako mag-sexy role. Yun ang concern ng father ko.

"Ang father ko ang nagsabi na walang hawak sa boobs, pero lahat okay."

Napatawa ni Cara ang ilang miyembro ng media sa kanyang prangkang tinuran.

Sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor ang mga dating sexy star na iniidolo ni Cara dahil nakatrabaho niya ang apat sa Pornstar 2.

Lahad ni Cara: "Nakita ko kasi kung paano sila nag-umpisa. Actually, mas malala pa nga yung ginagawa nila dati kesa ngayon.

"Kumbaga, yung camera nila, iba sa camera natin ngayon. Parang yung sa kanila, kapag sinabing hubad, makikita na talaga ng ibang tao.

"Unlike sa atin ngayon, minsan naitatago talaga. Pagdating sa sex scenes, nag-aalisan na yung mga tao.

"Ina-idolize ko sila kasi mas na-experience nila yung dating mas malala kesa ngayon."

Pero maling-mali ang akala ni Cara.

Mas grabe at mapangahas ang paghuhubad niya sa Pornstar 2 kung ikukumpara sa mga ginawa nina Alma, Rosanna, Ara, at Maui sa kanilang mga nakalipas na pelikula.

RASH FLORES

Gaya ni Cara, mapapanood sa Pornstar 2 at sa Palitan ang former construction worker na si Rash Flores.

"Para sa akin, sobrang daring nito. Sa akin kasi, hindi ako nagpa-plaster," boluntaryong kuwento ni Rash tungkol sa mga sexy scene niya sa Palitan.

Simple ang buhay ni Rash bago niya narating ang pag-aartista.

"Before, batang kalye lang ako pero may bahay pa rin ako.

"I mean, hindi naman talaga yung batang lansangan na palaboy. Lagi akong nasa daan."

Inamin niyang hindi siya nakatapos ng high school.

Kuwento ni Rash, "Undergrad ako, hanggang Grade 11 lang ako.

Continue reading below ↓

"Hindi ko po tinapos, pero balak kong tapusin kasi sayang yung isang taon, ga-graduate na ako [ng high school].

"Then, nag-construction [worker] din ako before."

JELA CUENCA

Wala namang maisip na sagot si Jela nang tanungin tungkol sa mga sexy actress na hinahangaan niya.

Unang ipinakilala si Jela sa pelikulang Taya, na pinagbidahan nina Sean de Guzman at AJ Raval.

Napagdudahan si Jela na nagpapanggap nang sabihin niya sa mediacon na "Hindi ko talaga alam yung mga sexy star noong dati."

Patuloy niya, "Actually, hanggang ngayon, sobrang hina ko sa names. Sobrang hina ko.

"Siguro, kilala ko lang yung mga mukha nila. Wala talaga akong maisip na name nila na sexy star."

Kung talagang pangarap ni Jela na magtagumpay sa propesyon na kanyang pinili, mahalagang kilalanin niya ang mga artistang makakahalubilo at pag-aralan nang mabuti ang pasikot-sikot sa industriya.

Walang masyadong puwang sa showbiz ang mga baguhang hindi marunong magmemorya ng mga pangalan ng mga makakatrabaho nila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cara Gonzales (left), may limitasyon sa pagpapaseksi sa pelikula: "Ang father ko ang nagsabi na walang hawak sa boobs, pero lahat okay." Sina Rash Flores at Jela Cuenca (right) ay co-stars ni Cara sa Palitan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results