Mga kandidata ng Thailand at South Africa sa Miss Universe 2021, nahaharap sa kontrobersiya

by Jojo Gabinete
Nov 24, 2021
miss thailand miss south africa miss universe 2021
Sangkot sa magkahiwalay na kontrobersiya sina Miss Universe 2021 Anchilee Scott-Kemmis (kaliwa) at Miss Universe South Africa 2021 Lalela Mswane (kanan) ilang linggo bago ganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2021.
PHOTO/S: @annscottkemmis / @lalela_mswane on Instagram

Dalawa sa pinaniniwalaang strong contenders at mahigpit na makakalaban ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe 2021 ang sangkot ngayon sa kontrobersya.

Ito ay sina Miss Universe Thailand Anchilee Scott-Kemmis at Miss Universe South Africa Lalela Mswane.

Nagbantang magsasampa ng reklamo ang royalist na si Sonthiya Sawasdee laban kay Scott-Kemmis dahil sa diumano’y paglabag ng reigning Miss Universe Thailand sa 1979 Flag Act.

Inakusahan ni Sawasdee si Scott-Kemmis ng paglapastangan dahil sa pictorial na ipinakikita ang beauty queen na nakatapak sa mga kulay na pula, puti, at asul na kumakatawan sa watawat ng kanilang bansa pero mahahalatang isang digital background lamang.

miss universe thailand 2021

Continue reading below ↓

Pagpapakita sa bandila sa isang hindi angkop na paraan dahil halos sumisilip ang dibdib ni Scott-Kemmis sa kasuotan nito at pang-iinsulto sa watawat ang ilan sa mga reklamo ni Sawasdee laban sa Thai beauty queen.

Nakasaad sa Section 11 ng 1979 Flag Act ng Thailand na dalawang taong pagkakakulong at pagmumulta ng Thai Baht 4,000 o Php 6,120 ang mga parusa sa sinumang mapatutunayang nagkasala.

Inalis na sa mga social media feed ng Miss Universe Thailand ang kontrobersiyal na larawan ni Scott-Kemmis na may temang "Tricolor of Unity. Three Colors and One Real Body" na isang paraan ng promosyon niya sa international beauty pageant na kanyang sasalihan.

MISS UNIVERSE SOUTH AFRICA

Mas malaki ang kontrobersiyang kinakaharap ni Miss Universe South Africa Lalela Mswane nang bawiin ng pamahalaan ng South Africa ang suporta sa nalalapit na pagsali niya sa 70th Miss Universe.

Tutol ang South African government na idaos sa Israel ang Miss Universe dahil kampi sila sa Palestine.

Tumanggi ang Miss South Africa Organization na pagbigyan ang kahilingan ng kanilang pamahalaan na huwag ituloy ang pagpapadala ng kandidata sa Miss Universe bilang suporta sa mga Palestinian.

May mahabang kasaysayan ang South Africa sa pagsuporta nito sa mga mamamayan ng Palestine kaya kinokondena nila ang diumano’y pagmamalupit ng Israel sa mga Palestinian.

Continue reading below ↓

Para sa pamahalaan ng South Africa, isang pagpapaalala sa krimen ng apartheid laban sa mga itim o sa kanilang ang kalupitan ng Israel sa Palestine.

Nananatiling tahimik si Mswane at ang Miss South Africa Organization tungkol sa maselang isyu na nagdulot ng matinding pressure sa black beauty queen.

Isa si South African Transport Minister Fikile Mbalula na pro-Palestinian ang humamon kay Mswane na manindigan ito sa pamamagitan ng hindi pagsali sa 70th Miss Universe.

Aniya, “History will be on your side, you will be remembered forever and ever. Use your power. Don’t go to Israel. We are supporting you as our golden girl.”

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2021 sa Eilat, Israel sa December 12.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sangkot sa magkahiwalay na kontrobersiya sina Miss Universe 2021 Anchilee Scott-Kemmis (kaliwa) at Miss Universe South Africa 2021 Lalela Mswane (kanan) ilang linggo bago ganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2021.
PHOTO/S: @annscottkemmis / @lalela_mswane on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results