Cher Calvin, may front-seat view ng Crosswalk performance ng BTS

by Jojo Gabinete
Nov 24, 2021
cher calvin bts
Isang once-in-a-lifetime experience ang nangyari sa Filipino-American news anchor na si Cher Calvin nang matiyempuhan niya ang Crosswalk Concert performance ng popular international boyband na BTS sa mismong harap ng kanyang sasakyan.
PHOTO/S: @chercalvin on Instagram

"OMG, I’m dying!"

Ito ang reaksiyon ng former ABS-CBN host na si Cher Calvin nang matiyempuhan niya sa intersection ng Beverly Boulevard at Genesse Avenue sa West Hollywood ang taping ng BTS para sa "Crosswalk Concert" segment ng The Late Late Show with James Corden.

Hindi makapaniwala ang Filipino-American television personality na magtatanghal sa mismong harap ng kanyang minamanehong sasakyan habang nakahinto ang trapik ang sikat na sikat na Korean boyband.

Naging maagap si Cher dahil gamit ang kanyang cellphone camera, kinunan niya agad ng video ang mga eksena na nasaksihan.

“Oh my god, this is amazing! Oh my god guys,” kilig na kilig na sabi ni Cher habang pinapanood at kinukunan nito ng video ang pagsasayaw ng BTS sa kalye na bumulabog nang husto sa mga motorista at pedestrian.

Lalong natuwa si Cher nang hawakan ng BTS vocalist na si V ang hood ng kanyang sasakyan.

cher v bts

Continue reading below ↓

Inggit na inggit ang avid BTS fans kay Cher nang ibahagi nito sa kanyang social media followers ang video ng hindi inaasahang engkuwentro niya sa popular na grupo.

“[I’m] not gonna lie. I’m officially a fan for life.

"I can’t believe BTS just danced in front of my car. Oh my god.

"How am I alone in the car when this happened!!!” sagot ni Cher sa mga komento ng kanyang mga kaibigan tungkol sa karanasan niya na nangyari nitong Martes, November 23 (Wednesday morning, November 24, Manila Time).

Mapapanood ang guesting ng BTS sa mga susunod na episode ng "Crosswalk The Musical," ang popular segment ng The Late Late Show with James Corden.

Si Cher ay kasalukuyang anchor ng KTLA, isang TV station na nakabase sa Los Angeles, California.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang once-in-a-lifetime experience ang nangyari sa Filipino-American news anchor na si Cher Calvin nang matiyempuhan niya ang Crosswalk Concert performance ng popular international boyband na BTS sa mismong harap ng kanyang sasakyan.
PHOTO/S: @chercalvin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results