Bela Padilla, di pa rin iiwan ang pag-arte kahit sa London na naninirahan

by Jojo Gabinete
Nov 25, 2021
bela padilla london
Bagamat iniwan na ni Bela Padilla ang Pilipinas, hindi pa rin tatalikuran ng actress-director ang pag-arte.
PHOTO/S: @bela on Instagram

Ang Pilipinas lang ang iniwan ni Bela Padilla nang magdesisyon itong manirahan nang permanente sa London, pero hindi pa rin niya tatalikuran ang pag-arte dahil babalik siya ng bansa kung may mga proyektong gagawin.

Umalis si Bela ng Pilipinas noong June 2021. Makalipas ang limang buwan, saka lamang niya inamin noong Martes, November 23, sa pamamagitan ng isang tweet, ang major decision na kanyang ginawa.

“So I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like now.

“I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video,” tweet ni Bela para sa kanyang mga tagasubaybay.

Continue reading below ↓

Seryoso si Bela sa pasya nitong manirahan sa London dahil wala nang naiwang mga gamit sa tahanan na dating tinitirhan niya sa Mandaluyong City.

Dual citizen si Bela dahil half-British siya kaya hindi na nagulat ang mga nakakakilala sa kanya sa pagpili niya sa London para maging permanent residence.

Bago umalis ng Pilipinas, tinapos muna ni Bela ang 366, ang love story movie na isinulat niya ang kuwento at siya rin ang direktor.

Pinatunayan ni Bela sa unang movie directorial job nito na bukod sa mahusay na aktres at scriptwriter, may ibubuga rin siya bilang direktor at storyteller.

Sina Zanjoe Marudo at JC Santos ang leading men ni Bela sa 366.

Kinunan sa Turkey ang ilan sa mga eksena ng pelikula. Pero dahil sa mga travel restriction na hatid ng coronavirus pandemic, hindi nakalipad si JC sa nasabing bansa.

Bilang direktor, nakagawa ng solusyon si Bela kaya mapagkakamalang talagang nagpunta sa Turkey si JC para sa mga mahahalagang eksena nito sa 366.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat iniwan na ni Bela Padilla ang Pilipinas, hindi pa rin tatalikuran ng actress-director ang pag-arte.
PHOTO/S: @bela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results