Kim Domingo, balik-TV na pagkatapos gumaling sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Nov 25, 2021
kim domingo sleeveless
Kim Domingo on turning down sexy roles: "Parang I want something new for myself. Gusto kong makita nila yung other version ni Kim na parang hindi lang ito ang kaya niyang gawin. Gusto kong mag-focus ngayon sa ibang mga role, characters. Yun ang naging desisyon ko, and thankful ako sa GMA na naintindihan po nila."
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram

Ang "Bros B4 Rose," ang episode ng Regal Studio Presents na mapapanood sa GMA-7 sa darating na Linggo, November 28, ang unang TV appearance ni Kim Domingo matapos niyang gumaling mula sa COVID-19.

Dinamdam ni Kim ang pagkakaroon ng COVID-19 dahil sobra ang pag-iingat na kanyang ginawa, tulad nang pananatili lamang sa bahay kaya matagal siyang hindi napanood sa telebisyon na na-miss niya nang husto.

“Sobrang tagal ko na wala [sa TV] tapos, yun nga, nagkaroon ako ng COVID. And ito yung unang location taping na ginawa ko, and I’m very happy na nagbabalik po ako sa telebisyon,” pahayag ni Kim sa pakikipag-usap niya sa Cabinet Files ngayong Huwebes ng hapon, November 25.

“Natakot talaga ako noon na tumanggap ng work sa labas so work from home yung ginagawa ko.

"Ngayon, ready na ako, may vaccine na, medyo confident na.

"Nandoon pa rin pa naman po yung takot ko, pero inisip ko na meron na akong bakuna.

Continue reading below ↓

"Kahit papaano, meron na tayong proteksiyon, plus ayoko naman na ganoon ang mangyari. Pero, parang anong gagawin ko, nasa bahay lang ako?

“Kailangan sanayin ko na ang sarili ko na nandiyan yung COVID kasi mukhang matatagalan pa bago talaga mawala. Kailangan ko rin gumalaw.”

May mahalagang aral na natutunan si Kim mula sa kanyang mga naranasan.

Saad niya, “Importante talagang mag-ipon, like ako, breadwinner ako ever since.

"Iba yung dulot ng pandemic sa atin so importante talaga na mag-ipon, kasi kapag may dumating na ganitong problema, ang hirap.

“Mag-ipon, mag-ipon, ito talaga yung itinuro sa akin ng pandemic.”

ON TURNING DOWN SEXY ROLES

Nagsulputan sa panahon ng pandemya ang napakaraming bilang ng mga aspiring actress na ginagamit na puhunan ang pagpapakita ng mga hubad na katawan.

Kabaligtaran ito sa pasya ni Kim na tanggihan ang mga proyekto na kailangang magpaseksi siya.

“Hindi ko po ide-deny ‘yan. May mga project na talagang tinanggihan ko. Hindi po sa nag-a-attitude ako, hindi sa nag-iinarte ako sa trabaho.

“I’m very thankful sa GMA sa lahat ng mga ibinibigay nila sa akin na proyekto, pero hindi na po ako masaya dun.

“Parang I want something new for myself. Gusto kong makita nila yung other version ni Kim na parang hindi lang ito ang kaya niyang gawin.

"Gusto kong mag-focus ngayon sa ibang mga role, characters. Yun ang naging desisyon ko, and thankful ako sa GMA na naintindihan po nila.

“Hindi ko naman totally isinasara, yun ang akala ng ibang tao. Sabi ko, kaya pa rin namang magpaseksi, mag-show ng some skin, pero it depends, depende sa kuwento, depende sa project.

“Hindi na kagaya ng dati. Yung dati kasi, grabe talaga. Aaminin ko, grabe talaga ako, lalo na noong nagsisimula po ako.

"So, bawas na talaga."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo on turning down sexy roles: "Parang I want something new for myself. Gusto kong makita nila yung other version ni Kim na parang hindi lang ito ang kaya niyang gawin. Gusto kong mag-focus ngayon sa ibang mga role, characters. Yun ang naging desisyon ko, and thankful ako sa GMA na naintindihan po nila."
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results