Barbie Forteza, magiging merry ang Pasko dahil sa bagong TV project

by Jojo Gabinete
Nov 25, 2021
barbie forteza red dress
Barbie Forteza: "My biggest investment happened during the pandemic because the pandemic made me realize a lot of things. It made me plan for the future. It made me more mature, more responsible."
PHOTO/S: @barbaraforteza on Instagram

Tiniyak ni Barbie Forteza na magiging masaya ang kanyang Pasko dahil sa bagong TV assignment niya na malapit nang magsimula ang lock-in taping.

Naging maingat si Barbie dahil hindi nito binanggit ang pamagat ng project, pero pinaniniwalaan na ang TV version ng Mano Po ang kanyang tinutukoy.

“Magiging merry ang aking Christmas dahil magla-lock-in po ako. I’m very excited about it.

"It will be my very first blessing in 2022. May pang-Noche Buena ako.

“Kailangan ng go-signal from the higher ups bago natin i-announce but, all in all, I’m very excited.

"Sobrang thankful ako sa lahat ng mga nakukuha kong opportunities at trabaho ngayon," sabi ni Barbie sa virtual media conference nitong Huwebes ng hapon, November 25.

Ang mga mahal sa buhay at mga kaibigan na nagbigay ng videotaped message para sa kanya ang dahilan kaya napaiyak si Barbie nang pumirma siya ng bagong kontrata sa GMA Network Inc. noong November 18, 2021.

Continue reading below ↓

“Naloka ako, may message. Hindi ako ready,” sabi ni Barbie nang mapag-usapan ang kanyang pag-iyak noong nakaraang linggo sa contract signing ng ikalabindalawang (12) taon niya bilang Kapuso.

“Unang-unang nagbigay ng mensahe, yung kapatid ko na nasa Chicago. Kasama niya sa video yung pamangkin ko na talagang bago nag-pandemic, nangako ako sa kanya na kapag nanganak siya, dapat nandoon ako. Kaso nag-pandemic so hindi natuloy.

“Medyo private din kasi sila. Private sila na part ng buhay ko.

"So, yung family ko, to see them in the big screen para magparating ng mensahe sa akin sa isa sa mga importanteng araw ng buhay ko, e, talagang sobrang overwhelming.”

REWARD AND INVESTMENT

Ang gantimpala sa sarili sa tuwing pumipirma siya ng kontrata sa GMA-7 at ang pinakamalaking investment niya mula nang magsimula ang kanyang showbiz career ang ilan sa mga itinanong kay Barbie ng Cabinet Files.

Wala,” sagot ni Barbie tungkol sa reward sa sarili.

Pero mahilig silang kumain ng kanyang pamilya kaya ibinubuhos niya ang lahat sa masasarap na pagkain.

“Siguro ang pinaka-reward ko sa sarili ko sa tuwing nagre-renew po ako ng kontrata, mahilig kasi talaga kami ng pamilya ko na kumain.

“Ini-spoil ko yung sarili ko and yung family ko sa pagkain. Gusto niyong mag-seafood, gusto niyong mag-steak… pagkain hindi luho.”

Kahit parang nahihiya, napilitan si Barbie na sabihing may kinalaman sa "property" ang pinakamalaking investment niya mula nang maging artista siya, at nangyari ito sa panahon ng coronavirus pandemic.

“My biggest investment happened during the pandemic because the pandemic made me realize a lot of things.

Continue reading below ↓

“It made me plan for the future. It made me more mature, more responsible.

"So, talagang mas inisip ko yung mangyayari ten years from now na posible palang magkaroon ng pandemya.

“Nag-invest po ako sa property. Yun po ang pinagkakaabalahan ko ngayon,” sabi ni Barbie, na hindi nagbigay ng kumpletong detalye tungkol sa ari-arian na kanyang binili.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza: "My biggest investment happened during the pandemic because the pandemic made me realize a lot of things. It made me plan for the future. It made me more mature, more responsible."
PHOTO/S: @barbaraforteza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results